THE DIARY

84 7 1
                                    

She have such a painful journey at a young age and I feel so guilty that I read her diary.

Sinara ko ang diary ni Shrynae at nilagay sa loob ng bag ko. Lumabas ako ng bahay at nagkataon naman na nakita ko si Meiza na naglalakad kasama sina Jennifer at Shraun.

"Meiza!" Lumingon siya sa akin at tinaasan niya ako ng kilay. May galit ba sa akin ang babaeng to? Lumapit siya sa akin at pinukol ako ng masamang tingin.

"Bakit sakin mo binigay 'to?" Kumunot ang noo niya, kaya pinakita ko sa kanya ang diary ni Shrynae. Nanglaki ang mata niya at inagaw sa akin ang diary.

"Bakit na sa'yo toh?!" Inagaw ko ulit sa kanya ang diary.

"Ako na ang magbibigay nito kay Laune, tatanga-tanga ka pa naman. Baka sa kung kaninong bag mo na naman to malagay. Buti nalang ako ang may-ari ng bag na nilagyan mo nito." Tinakpan niya ang bibig niya gamit ang kamay niya, halatang nagulat sa sinabi ko.

"Hala sorry! Akala ko kasi ikaw si Laune kasi pareho ang likod niyo. Sorry talaga, hindi ko sinasadya. Ibigay mo kay Laune yan ha? And tell him that Shrynae's dad said that Shrynae wants him to have that. Shrynae asked him to give it to him." Ngumiti lang ako sa kanya at nilagay sa bag ulit ang diary ni Shrynae.

"Yes, madam." Inirapan ako ni Meiza at tumakbo pabalik kay Jennifer at Shraun.

Bakit ba siya sumasama sa kanila kung nagiging third wheel din naman siya?

It's been two weeks since Shrynae left us. And it's been a week that Shrynae's diary is in my hands. I actually finished it just now. Hindi ko napigilan ang sarili ko at binasa ko talaga ang diary ni Shrynae.

I'm really sorry for reading your diary, Shrynae.

Nagpapasalamat din naman ako dahil kahit papaano, na-appreciate ni Shrynae ang mga nagawa ko sa kanya. I actually liked her. Yeah liked, I like her best friend now, her best friend Meiza.

I don't know why, it's just that things happened then boom, I like Meiza already. I actually realized na gusto ko si Meiza noong-hindi ko maalala. Siguro bago ko nalaman na may leukemia pala si Shrynae? Parang hindi. Basta hindi ko na maalala.

Ang naaalala ko lang ay ang mga bagay na ginawa ko para mapalapit kay Shrynae pero sa huli, 'yung best friend niya pala ang magugustuhan ko ng sobra.

Nagawa ko pa ngang magpanggap na hindi ko nakikita kung ano ang nasa tv monitor at blackboard kahit kaya pa naman ng mata ko. Gusto ko lang talagang makausap siya kaya ko ginagawa 'yun.

Mariin kong pinikit ang mga mata ko at huminga ng malalim.

I called Laune, but he's not answering my calls. So I decided to visit him in his house instead. Nakatatlong katok pa ako bago tuluyang bumukas ang pinto ng bahay nila.

"Laune." He is wasted. Hindi naman siya uminom ng alak pero ang gulo ng buhok niya at nang dahil sa itsura niya ngayon ay nagmumukha siyang lasing.

Pumapasok naman si Laune sa klase namin pero palagi naman siyang lutang. Pinagsisihan ko na tuloy na hindi ko kaagad naibigay sa kanya ang diary ni Shrynae. Edi sana nagawa niyang basahin ang sulat na iniwan ni Shrynae sa kanya. Pati na din ang diary ni Shrynae at ang bucket list niya.

"Meiza asked me to give this to you." Binigay ko sa kanya ang diary ni Shrynae at nakakunot ang noo niya na tinanggap ito.

"Sinabihan daw ni Shrynae ang ama niya na ibigay sayo yan. She wants you to have that." Nakatitig lang si Laune sa diary na hawak niya. Ni hindi man lang siya nagsalita.

He's hopeless.

"Basahin mo 'yan, baka magpapabago yan ng buhay mo." Tinalikuran ko si Laune pero napatigil ako ng magsalita siya.

"I know you like Meiza. Alagaan mo siya, baka multuhin ka ni Shrynae." Tumawa ako at lumingon ulit sa kanya.

"Ayos ka na pala. Ikaw, alagaan mo din ang sarili mo kung ayaw mong magalit si Shrynae sayo. She was a brave woman, kaya sana maging matapang ka din. We're just sixteen, dude." Ngumiti sa akin si Laune.

"Salamat, Kyendren." I nodded at nagpaalam na ako sa kanya.

Laune is very lucky that Shrynae loves her. It's just painful that she left him first. Maybe they are actually meant to be, just not meant to be together forever.

I looked up the sky.

Shrynae, wherever you are right now, I hope you're finally not in pain. Even in just a short period of time, you became an important part of me. I will forever remember you.

You will always be in our hearts, Shrynae.

Maybe SomedayWhere stories live. Discover now