Althea suddenly turns her gaze to my position. Her brows started to narrow as she rubs her chin.
"Maybe there's a user sitting beside the monument," wika naman niya't lumapit sa aking kinatatayuan.
"Parang hindi rin ganoon Althea," protesta naman ni Ranzou at lumapit na rin nang dahan-dahan sa aking kinatatayuan. "Baka naman siguro may multo o buwisit na prankster sa likuran para mauto tayo't hindi maabutan si Prof. Leizuko."
"Malabo rin 'yon Ranzou." Sumingit agad si Emerson sa usapan bago pa man magkaroon ng munting gulo sa dalawa. "Kung malakas man ang nadedetektang data energy signal ni Zenrie o ng isa sa atin ngayon, mas malaki ang posibilidad na siya ay isang user. Tandaan mong mas nakalagay ang ganoong energy signal sa isang indibidwal lang at hindi sa gamit."
Emerson's right. Magkatugma rin ito sa mga naipaliwanag ko kanina, pero hindi pa ito sigurado kung hanggang may buhay ang may taglay ng data energy signal o life aura sa katawan. Medyo nakakalula siyang isipin sa totoo lang.
"Indeed," I nodded, flashing a determinate smile on my face as I return my attention to the monument.
Sasandal na rin sana ako sa bloke ng monumento nang bigla na lang tumagos ang kamay ko papasok sa kung saan man ako dalhin nito. Tuluyan na rin akong nilamon sa kabila nito na ikinalaki ng kanilang mga mata.
"Zenrie!" rinig kong sigaw ni Zoiren sa kabila bago ako tuluyang nilamon ng kakaibang pangyayari na ito.
Anak ng... anong klaseng kalokohan na naman 'to?
=========
Isang kulay asul at puting liwanag ang tumambad sa aking mga mata nang unti-unti ko itong minulat. Mistulang nasa isang hallway ako na kung saan nakita ko na ito minsan ngunit hindi ko ito matandaan. The walls are jet-black with the lights I mentioned earlier. It looks like a futuristic tunnel to the headquarters of a secret agent haven. O baka naman parang nasa loob ako ng cyberspace tunnel.
Mukhang ito yata ang lugar sa likod ng monumentong kinatatayuan namin.
Anong klaseng lugar ba ito? Bakit yata may kung anong nilalang na humila sa'kin papunta rito?
Suddenly, my message icon notifies me and I immediately open it. Tumadtad lang naman sa inbox ko ang mga mensahe nila Zoiren sa'kin na talaga namang nag-aalala na sa mga nangyayari. Hindi ko pa sila nasabihan kung nasaan ako.
Mukhang kailangan ko munang lumabas sa pader na ito para malaman nilang ayos lang ako.
Dahil pader na rin naman ang nasa likod ko, Mukhang tama rin ang kutob kong isa itong lihim na lugar kagaya sa pader doon sa dulo ng SAU Flower Garden. Muli akong tumagos at bigla namang napatalon ang lahat nang makita nila ang kalahati ng katawan ko.
"Whaa! Babaeng hinati ang katawan!" Malakas na sigaw ni Zoiren na aakmang bunutin ang kanyang espada. Mukhang kanina pa niya inilabas ito nang malaman nilang nilamon ako sa kabilang bahagi ng pader na ito.
Linti! Nasobrahan yata siya sa kape kaya naging magulatin.
My cold glare shot him immediately that made him to shut his mouth. Natawa naman sina Ranzou at Emerson sa kanyang reaksyon dahilan upang umiling siya sa inis. Hay naku! Sa totoo lang ang sarap niyong pag-untugin pareho.
"Aho (Dummy)!" mariing bulalas ko. "Baka gusto mong hatiin ko ang katawan mo nang literal."
"Iyan kasi ang sinasabi ko sa'yo," napasampal ng noo si Althea sabay buntonghininga. Lumingon agad siya sa'kin at ngumiti. "I guess my theory is right about this. Parang sa SAU Flower Garden lang din noong nag-imbestiga tayo tungkol sa Shadow Filora."
YOU ARE READING
Class Code: ERROR
Science FictionHighest rank #1 in Virtualworld (12-03-2020) "Project: Virtualrealmnet" - the advance technology equipment that helps every student to continue their education despite the pandemic caused by a terrible virus called RespiroRoachVirus. It's a portal t...
Chapter 26.1: The Monument of Peace
Start from the beginning
