Chapter 26.1: The Monument of Peace

Comenzar desde el principio
                                        

The systems took us to the virtual world version of San Pedro Capitol. Isa ito sa lugar na dinarayo sa lungsod ng Davao na kung saan nandito rin ang sinasabing cathedral, pamilihan, at ang mga munting parkeng puwede pasyalan. Dito rin matatagpuan ang city hall na ang disenyo ng mga poste ay maihahalintulad sa Parthenon ng Greece.

Dahil na rin sa lawak ng lugar na ito, matatagpuan din ang iilang kainan at pasyalan. Huli akong pumunta rito ay bumili kami ng Japanese Sponge Cake ni Mimi sa harap ng city hall at talagang napakasarap n'on. Hay! Namimiss ko na talagang mamasyal bago umusbong ang pandemyang dulot ng RespiroRoachVirus.

"Sigurado ba kayong ito ang sinasabing lugar ni Prof. Leizuko?" tanong ni Ranzou at napakamot ng ulo.

"Oo," matipid kong tugon.

"Eh, ang ginagawa lang natin ngayon ay naglalakad lang dito sa San Pedro Capitol na parang rumarampa lang. Puro lang mga gusali't puno ang nakikita natin at hindi isang so-called hideout."

"'Yan na rin mismo ang pinagtatataka ko," wika naman ni Althea at napahawak ng baba.

"Ayon din kasi sa mapang binigay ni Prof. Leizuko, dito natin mahahanap ang sinasabing hideout nating mga beta testers. I'm pretty curious. Where could this data energy signal come from? Nakakapagtataka," mahinang usal ni Zoiren. Bahagya siyang lumapit sa naturang monumento habang sinusuyod ng kanyang paningin ang paligid. "Baka naman siguro mali lang ang napuntahan natin."

Agad namang napataas ng kilay si Ranzou. "Mali? Eh ito nga ang itinuro ng mapa ni Prof. Leizuko."

Kahit ako ay nagtataka rin. Pinagmasdan ko rin ang paligid at tanging mga gusali lang ng pasyalan at city hall ang aming nakikita. Walang hideout o mi isang gusali na tinutukoy niya. Kahit nga 'yong malalaking fountain pond na may durian sa gitna ay talagang agaw pansin din eh. Isama pa ang munting Rizal Park na may malaking center stage na ginagamit tuwing Kadayawan, Araw ng Dabaw, o kay nama'y ibang okasyon.

Napapaisip tuloy ako na baka epekto na naman 'to ng isang bug. Pero kahit ganoon, kailangan naming mahanap 'yon bago pa magising si Mimi at mapagtantong umalis kami.

Hindi kami tumigil sa paglalakad dito sa tapat ng cathedral hanggang sa napatigil kami sa harapan ng Commemorative Monument of Peace and Unity. Tila may napapansin akong kakaiba sa monumentong ito kaya agad akong humarap rito. Maliban sa isa ito sa mga tanging yaman ng lungsod, para kasing may nasasagap akong data energy signal sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. Ang lakas pa.

Most of the system's data energy signal came from every individual's virtual identity or the virtual bodies. Kung sa ibang termino pa sa usaping mahika ay mga aura ito o life force energy ng karaniwang nilalang na nabubuhay. Isa ito sa mga naging pangunahing papel ng Siriuka-07253 supercomputer na ngayo'y naging sentro ng programming para sa mga Virtualrealmnet namin.

May iba pang papel ang systems na ito, pero malalaman at malalaman din namin ito sa takdang panahon. Even every single number from the binary codes encrypted in the system has secrets, just like the 15 gems and the continuation of the story about Avillerius.

"May problema ba Zenrie?" Mausisang nagtanong si Zoiren habang sinusuyod ang paligid at ganoon na rin sa sinasabing monumento.

Huminga muna ako nang malalim at direktang nakatingin sa kinatatayuan ng monumento. Gawa pa naman ito sa marmol at obsidian at mistulang may kakaiba talaga sa munting template sa ibaba. Maliban doon, may taas pa naman itong halos 11 feet ang kinatatayuang bloke. It's just according to my speculations.

Ang weird naman nito.

"Wala naman, pero may nasasagap akong data energy signal sa likod ng malaking bloke na ito," saad ko habang hindi pa rin inialis ang paningin sa malaking bloke na kinatatayuan nito.

Class Code: ERRORDonde viven las historias. Descúbrelo ahora