Chapter 26.1: The Monument of Peace

Depuis le début
                                        

"You have to prepare yourself later at early morning Magpahinga ka na't mamaya na lang tayo mag-uusap sa meeting. I'll send you the location of the place where we will talk about these whereabouts," wika ni Prof. Leizuko na tila nagpapaalala.

"Opo."

Kahit papano ay napaaga kami sa paggising bago magsimula ang naturang pagpupulong. Better to be advance than be late.

Paniguradong nasasabik at may baong mga katanungan ang mga kasamahan naming mga beta testers sa mga nangyayari. Hindi ko tuloy maisip ang mga ngiti nila sa oras na buksan nila ang kanilang mga student's window. Sino ba naman ang hindi magtataka sa biglaang pagkawala ng aming komunikasyon sa kanya matapos ang paglitaw ni Avicta?

Maliban doon, hindi pa rin maiiwasan ng aking isipan na ipakita sa akin ang katanungang paulit-ulit na sa aking utak.

15 Hiyas ni Lanzar, ERCO 673, Zeitsus Split, quizzes at activities, keeping my virtual identity as a secret, at pati na rin ang pagbabalik ng sinasabing ex-game partner ko na isa palang beta tester at nauna sa amin. Lakas rin ng trip ng isang 'to at talagang nakakaasar siya.

Pero... Napapaisip na rin ako sa mga sinabi ni Zoiren sa'kin kanina habang nasa rooftop kami. Mistulang sirang plaka itong nagsasalita sa aking isipan na mas nagpabigay ng palaisipan sa aking mga desisyon. Oo, napopoot pa rin ako kay Jairus dahil sa ginawa niya noon.

Kaso ngayon, ewan ko lang.

Hindi ko na alam ang gagawin ko lalo na't sa salitang pagtitiwala at pagpapatawad ay hindi ko pa rin magawa sa kanya. Mukhang iba yata ang tama ng kinain kong tiramisu cake kanina.

"Kailangan na nating umalis at pumunta sa binigay na lokasyon ni Prof. Leizuko," pagbasag ko naman sa nakakabinging katahimikan matapos kong isara ang aking student's window. "Pretty sure he's waiting for us."

"Ganoon na nga," pagsang-ayon naman ni Althea.

"Ayos! Rumesponde na rin siya sa wakas!" masiglang saad ni Ranzou sabay bato ng kanyang kamao sa ere. Hindi rin matatawaran ang mga ngiting nakaguhit sa kanyang mga labi dahil sa magandang balita na ito.

I simply nodded and smiled. Matapos n'on ay magkasabay kaming napatingin sa portal na kasingkulay ng asul na dagat. Huminga ako nang malalim at pinapanatili ang aking atensyon sa bagay na ito. I have to take these thoughts bothering my mind at this moment... including the person who will interact with us later, since he's called Beta Tester #1-A.

"Nakahanda na ba ang lahat?" determinadong tanong ko.

"OO!" malakas naman nilang tugon.

I point my gaze once more to the portal as the smile never fades. Kahit madaling araw niya kami pinapatawag, alam kong may rason siya kung bakit niya ginawa ito. At kung ano man 'yon, malalaman namin 'yon mamaya sa oras na makarating kami sa eksaktong lokasyon.

"Kung ganoon, oras na para pumasok sa portal. Hinihintay na nila tayo, lalong-lalo na si Prof. Leizuko." Matapos n'on ay magkasabay na kaming pumasok sa portal.

Parating na kami sa sinasabing lokasyon. Ito na rin ang oras upang magtipon kaming mga beta testers. Kung ano man ang pag-uusapan namin ngayon, kailangan namin maging handa sa kung ano ang magiging resulta.

============

============

Oups ! Cette image n'est pas conforme à nos directives de contenu. Afin de continuer la publication, veuillez la retirer ou mettre en ligne une autre image.
Class Code: ERROROù les histoires vivent. Découvrez maintenant