I wonder why his response took us so long.
"Beta Tester #1-B? Can you hear me?" Prof. Leizuko said as the call started. The holographic screen showed up in front of me like we're having a video call from two different worlds. Parang kay Issei lang sa oras na mag-uusap kami.
Para na rin hindi marinig ng iba ang ingay, I tend to use the headset and mic tool from my item vault. Kinailangan kong gawin 'to para hindi sila magising. Delikado na kapag nalaman ng hindi beta tester ang bagay na ito.
"Yes Prof. Leizuko. Loud and clear," mahinang tugon ko sa kabilang linya.
"Pasensya na kayo kung matagal akong nakatugon sa mga tawag at mensahe niyo," paunang bungad niya sa usapin at sabay hingi ng paumanhin. "How are you and the beta testers right now?"
I froze for a second when he asked about it. Kung pag-uusapan lang naman ang mga beta testers niya, malamang kasali na rin doon ang pinakaunang beta tester sa aming sampung napili niya. Hindi talaga maiiwasang kumulo ang dugo ko kapag naalala siya, pero nagiging dry ice na ako kapag nakikita ang mukha niya.
Too cold that can burn someone who dares to shatter me again like a broken glass of trust.
"We're fine and still coping up with our responsibilities as a student and beta testers," nakangiting tugon ko sa kanya, ngunit hindi ko pa rin maiiwasang mapaisip ang mga nakatago sa kanyang mga mata.
"I'm glad to hear about it," he smiled. "Before I forget after this short call, we're going to have an emergency meeting at 3 AM."
My eyes are slightly widened. "3 AM? Hindi po ba't masyadong maaga 'yan?"
"Alam ko, Zenrie," Prof. Leizuko left out a sigh, "but it's for your safety especially to your identities as beta testers of the project, that's why I set it early."
Ang aga naman yata ng sinasabi niyang 3 AM. Humihilik pa kasi ako niyan sa totoo lang eh. Ang iba naman pati pwet humihilik pa nga at talagang delikado 'yon kapag may masamang hangin na napasama.
Maliban doon, ang daming takot sa oras na 'yan dahil devil's hour daw. Kaya niya siguro pinlano ito.
Napabuntonghininga na lang ako ulit at kinalauna'y muling nagsalita.
"Alam na po ba 'to ng iba pang beta testers?" direktang tanong ko sa kanya.
"If they read the message I sent to them and accept my invitation, it will be a yes," sabi niyang may galak sa kanyang tono. "And the six of them did it. Alam kong mamaya rin na mabasa ito ng mga kasamahan mo sa SAU na tatanggapin nila ito."
Isang bahagyang ngiti ang gumuhit sa aking mga labi. "Mabuti naman po."
My heart uplifted. Hindi ko inaasahang sasang-ayon agad sila sa bagay na 'yon, kahit na rin ang dalawang beta testers na minsan na niyang pinagalitan dahil sa insidente.
Pero... may isang bagay talaga akong gustong itanong sa kanya. Maliban sa dahilan, gusto kong malaman kung paano mismo naging beta tester si Jairus at natunton ang pagkakakilanlan kong unibersidad.
Sa totoo lang, bumabaha na rin ng katanungan ang isipan ko dahil sa mga bagay na ito.
Bago pa man ako makapagsalita ay naunahan na ako ni Prof. Leizuko na magbigay ng konklusyon sa kabilang linya. Mistula yatang nagmamadali siya.
YOU ARE READING
Class Code: ERROR
Science FictionHighest rank #1 in Virtualworld (12-03-2020) "Project: Virtualrealmnet" - the advance technology equipment that helps every student to continue their education despite the pandemic caused by a terrible virus called RespiroRoachVirus. It's a portal t...
Chapter 26.1: The Monument of Peace
Start from the beginning
