Chapter 26.1: The Monument of Peace

Start from the beginning
                                        

Sumingit naman agad si Emerson at ginaya ang pangugulo sa aking buhok. Nakangisi pa nga habang mahinang tumatawa. Malamang masarap ang pagtimpla ng kanyang kape kanina kaya malakas siyang makapang-asar sa'kin ngayon.

"It's because she has a high tolerance of coffee, Zoiren," mahinang tumawa si Emerson saka binitawan ang buhok ko.

Honestly, it was quite reciprocated. Mas nauna ka pang natulog kesa sa'kin. Thanks overthinking and plot ideas.

"Halata ngang adik kayo sa kape." Mahinang wika naman ni Zoiren at napabuntonghininga.

"Huwag ka nang magtanong kung bakit. Kahit ikaw nga rin Zoiren ay isa na roon kaya huwag ka nang umangal," pasingit namang tugon ni Althea.

Zoiren shrugs and looks at Althea with a dull stare. "Alam ko," mahinang wika niya.

"Pero seryoso na 'to," huminga muna nang malalim si Ranzou saka tinignan kami nang seryoso. "Ano ba ang balita kaya pinapapunta mo kami rito? Kanina pa ako napapaisip eh."

Well, curiosity kills the cat. Kahit hindi pa binubuksan ni Ranzou at ng iba pa ay nagbibigay na rin talaga ito ng katanungan sa kanilang mga isipan.

Sa tingin ko hindi pa nila namamalayang tumunog ang notification icon na nagpapahiwatig sa mensahe ni Prof. Leizuko.

"Gusto niyo na bang malaman ang tungkol sa bagay na 'yon?" I asked, drawing a sharp sigh.

"OO!" Magkasabay nilang tugon.

"Kung ganoon, dumako kayo sa messages ng student's window at malalaman niyo ang sagot."

Hindi na rin nag-atubili silang apat na buksan ang kanilang mga student's window at sabay dumako sa kanilang messages icon. Wala pang isang minuto ay bigla na lang nanlaki ang mga mata ni Ranzou kasama ng isang nakakapunit na ngiti. Dinaig pa sa isang taong nakakuha ng 1.25 na marka para sa spoken poetry. He even froze like a statue at this moment.

"S-Seryoso ba 'to?" hindi makapaniwalang saad ni Emerson at tumingin sa'kin nang diretso. "Si Prof. Leizuko? Si Prof. Leizuko ang nagpadala ng bagong mensahe sa inbox natin?"

I nodded at him solemnly, flashing a natural smile. "Tama ka. 'Yan na nga mismo ang tinutukoy ko kanina pa."

Hindi maiguguhit ang saya sa kanilang mga mukha ang magandang balita na ito. Halos mag-iisang buwan na kaming naghihintay sa kanyang tugon matapos kaming ikulong ni Avicta sa virtual world. Kahit napapaisip pa rin kami sa tunay na nangyari sa Sirius Tech at ganoon na rin sila, hindi pa rin kami tumitigil sa pagkalap ng impormasyon ukol sa kalagayan nila.

Hindi lang din kasi tungkol sa ERCO 673 at kay Avicta ang hinahanapan namin ng ibang palatandaan sa sitwasyong ito. We need also to find a way on how we could find the 15 gems of Lanzar and decode it for our freedom and survival.

Kahit nasa gitnang kabanata na ako sa kuwentong binabasa ko ngayon sa libro, kailangan pa rin naming hanapin doon ang maaaring kahinaan niya at lokasyon ng mga hiyas. Not just that, we have to trust also with the data energy signal surrounding the whole virtual world.

"Bakit hindi mo sinabi kanina pa kung ito lang naman pala ang tinutukoy mo Zenrie?" tanong naman ni Zoiren na biglang nagkaroon ng sigla sa nabasa.

"Sabihin na lang nating munting sorpresa ito," nakangising saad ko.

Dumiretso agad ako sa messages at tinignan ang mensaheng sinabi ni Prof. Leizuko. Nabasa ko na rin kasi nitong hatinggabi at nagkausap. Isa pa, napakahalaga ng mga pinag-usapan namin kanina kaya kinailangan naming magising ng ganito kaaga.

Class Code: ERRORWhere stories live. Discover now