Salamat

22 0 0
                                    

Nagtataka ako, bakit hirap akong magsulat?

Alam ko ang istorya ng buhay Mo,
Ngunit bakit hindi ako makakatha ng isa pa sa Iyo?
Ako'y nagtataka, anong nangyayari sa utak ko?
Pilit ko bang pinagaganda kaya't nangyayari ito?

Lahat ng istilo ko sa paggawa ay sinubukan ko,
Ngunit ganoon pa rin, litong-lito ako,
Dahil ba sa labis ang Iyong kabutihan?
Kaya't nararapat na ang obra'y gandahan?

Hanggang sa naisip ko ang katotohanan,
Ako nga pala'y makasalanan,
Kaya't naisip kong isulat,
Ang nasa puso ko, na sa Iyo'y nararapat,
"Panginoon, Salamat."

Koleksiyon ng mga Tula (Tagalog)Where stories live. Discover now