Natatanging Kaibigan

146 0 0
                                    

Nakatingin ka sa kawalan, ‘di mawari kung saan ang daan,
Negatibong nasa isipan, ‘di mo alam kung pa’no pakakawalan.
Malungkot na labi, pa’no ka ngingiti?
Luha sa mga mata, pa’no mapapawi?

Noon, tuwing nakatingala ka, alapaap ang 'yong nakikita
Bakit ngayo’y itim na kalangintan na?
Walang makatatalo sa bilis ng isip mo, no’ng ika’y masaya,
Ngunit ng nawala ito’y bumagal na.

‘Di maintindihan, bakit ka nagkakagan’yan?
Hindi mahulaan ang naging dahilan.
Paano na ngayon?
Saan mo kukunin ang lakas na tulad noon?

Anong mapapala mo sa pagtitig sa kawalan?
Paano magiging positibo kung wala kang pakikinggan?
Paano ka muling ngingiti, habang buhay ka na lang bang nakangiwi?
Paano maiibsan ang ‘yong kalungkutan kung luha’y ‘di mapapawi?

Bakit hindi mo lapitan ang pinakamabuti nating kaibigan?
Natatangi’t hindi mapaparisan.
Laging nariya’t ‘di tayo pababayaan,
‘Di namimili kung sino ang papayuhan.

Inaanyayahan ka Niya sa kan’yang palasyo,
Doon mo ibulong ang nararamdaman mo.
Kung nahihiya kang isiwalat sa buong mundo,
Huwag kang mag-alala’t ‘di Niya ipagkakalat ang problema mo.

Koleksiyon ng mga Tula (Tagalog)Where stories live. Discover now