Alaala ng Puso Ko

18 0 0
                                    

No'ng una inis na inis ako sa 'yo 'di ba?
Nakalaban pa kita sa patalinuhan sa iskuwela.
Hindi ko natanggap, natalo mo 'ko.
Sabi ko, "May ibubuga rin pala ang isang 'tulad nito.

Lumipas ang panahon...
Nandiyan ka lang pala?!
Ang pinapansin ko'y iba.
Dala ba kaya nang dating galit?
O may halo na ring inggit?

Hanggang isang araw...
Sa muli nating pagkikita,
Do'n kita napansin,
Parang may kung hulila sa 'kin
Akala ko, lahat ay gano'n pa rin,
Ngunit mali, kulang na lang ay pari.

Koleksiyon ng mga Tula (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon