Mahal Kita Kaso Bawal

4 0 0
                                    

Minahal kita nang di ko sinasadya,
Tuwing pinipigil ko puso ko'y nagwawala.
Para kang anghel na bumaba sa lupa,
Daig mo pa ang isang prinsesa, ganda mo'y di nakakasawa.
Dinagdagan pa ng busilak mong kalooban,
Sino ba naman ang di maaakit at di ka hahangaan.

Ngunit heto lang ako,
Isang hamak na kung sino.
Walang maipagmamalaki, parang walang silbi,
Ang pagkatao ko'y walang masasabi.
Sa 'yo'y hindi ako makalapit,
Kapag sinubukan, buhay ang kapalit.

Mali bang umibig sa di mo kaantas?
Kahit sino nama'y puwedeng umibig nang wagas.
Kung anong kaya nilang gawin,
Siguradong kaya ko rin,
Umiikot man ang mundo, sa puso ko 'di ka mawawaglit,
Nawa'y balang-araw maging patas ang lupa't langit.

Koleksiyon ng mga Tula (Tagalog)Where stories live. Discover now