Epidemya

45 0 0
                                    

Sa mundong puno ng kaguluhan,
Kung saan apektado ang buong bayan,
May mga ipinatutupad, gabay na dapat nating sabayan,
Nararapat na pahalagahan at hindi baliwalain ng sambayanan.

Kung nais nating matapos yaring epidemya,
Sumunod tayo sa batas na nakaimplementa.
Hindi ito ipinatutupad para lamang sa wala,
Para ito sa ikabubuti ng buong bansa.

Nawa'y maging bukas ang ating isipan,
Hindi biro ang ating nararanasan,
Ka'y rami nang nasasawi,
Iba't iba ang batas...
Rehiyon sa rehiyon,
Bansa sa bansa,
Bayan sa bayan.

Kung wala sanang Epidemya,
Wala sanang batas para sa pagkaing mahalaga,
Wala sanang tanong kung ang Lugaw ay essential ba?

Koleksiyon ng mga Tula (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon