Alipin ng Pag-Asa

99 0 0
                                    

Pumasok siya minsan sa aking buhay,
Naging parte ng mga kaibigan kong tunay.
Nagbigay ng kung ano sa larangan ng pagkakaibigan,
Mga galak -- 'di lang saya sa kaniyang kinabibilangan.

Kahanga-hangang mga salita sa labi niya'y namumutawi,
Mga kuwentong kakaiba'y 'di namin mawari.
Kakaibang personalidad ang sa aki'y bumihag,
Preso ng pagtingin ang sa aki'y maaaninag.

Mga ngiti niyang nakakatunaw ay nakakahimatay,
Tuwing siya'y tumititig bumababa ang aking kilay.
Paano ako makikipagkuwentuhan kung may tumitibok,
Itong puso ko'y 'di masaway sa paghagok.

Isang araw naramdaman kong may nais ang puso mo,
May gustong iparating dito sa puso ko.
Halata sa mga kilos mo ang iyong pagbabago,
Nais kong magtanong, ngunit 'di ko alam kung paano.

Nagbago kung paano ka tumitig,
Kung susumahin ay para kang umiibig.
Laging nakangiti ang iyong labi,
Ngunit ang iyong nasa isip ay 'di ko mawari.

Ano ba ang dapat kong maramdaman?
Ang nasa isip mo'y di ko alam kung anong laman.
Tumitibok ba ang iyong puso kaya ka nagbago?
Ang tanong, ito ba'y para sa akin o sa ibang kaibigan ko?

'Di ko mapigil ang aking nadarama,
Para akong ewan na sa pag-ibig ay umaasa.
Anuman ang dahilan ay aking tatanggapin,
Ganiyan kita kamahal, kaya kong maging alipin.

Koleksiyon ng mga Tula (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon