Karamay

26 0 0
                                    

Collaboration
Dheekhaye Borja at Georzette Java

Ang pamilya'y laging nariyan,
Anuman ang mangyari'y di kayo pababayaan.
Karamay sa lahat ng pagsubok sa buhay,
Sa mga laba'y kahawak-kamay.

Pangigitiin sila upang lungkot ay maibsan,
Lalo na kung wala ang mga kaibigan.
Ginagawa nilang makulay ang buhay,
Hanggang maabot ang tagumpay.

Ang maligaw ng landas ay 'di maiiwasan,
Gayunpaman nariyan sila, kaapay sa laban.
Sila ang iyong ilaw upang makatunghay,
Magsisilbing gabay kapag nalupaypay.

Ngiti o hikbi man ang pinagdaraanan,
Walang pag-iimbot, silang nariyan.
Pampahid sa luha ay tagabigay,
Dalawang tainga'y nakikinig sa dalang-ingay

Kaya't sila ay ating pahalagahan,
Sapagkat kailanma'y di nila tayo pinabayaan.
Pagmamahal sa kanila'y buong pusong i-aalay,
Mula sa unang pag-iyak hanggang sila'y mahimlay.

Koleksiyon ng mga Tula (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon