SANA ALL

30 0 0
                                    

Saan ka kukuha ng iyong inspirasyon?
Kahit samo't saring ideya ang sa utak mo'y nakabaon,
Litong isipan, saan mo itutuon?
Sa mga alaala ba ng kahapon?
Bakit kay hirap simulan ang isang tula?
Kahit pa sabihing matagal ka na sa paggawa.

Ano ang sikreto ng mga iniidolo?
Bakit sa kanila'y napakadali ang paggawa nito?
Mga sangkap at istilo'y iba't iba,
Kahanga-hanga ang mga katulad nila.
Bukod sa mga magagaling ngunit mapagmataas,
Animo'y kung sino, baka naliligaw na ng landas.

Saan nila kinukuha ang mga matatalinhagang salita?
Sa pagbabasa kaya ng diksyonaryo, o natural na sa diwa nila?

Kung ika'y humahanga at nais maging katulad nila,
Bumangon ka't simulang hawakan ang papel at panulat na may tinta.
Simulan mong tahakin ang kanilang mundo,
Huwag "sana all" hindi makakatulong ang mga salitang ito.



Koleksiyon ng mga Tula (Tagalog)Where stories live. Discover now