HILING

213 0 0
                                    

Isang bulalakaw ang 'di inaasahang natanaw,
Bituin sana'y bibilangin ngunit atensyon mo'y inagaw.
Pagtupad nito sa "HILING" ay 'di ka naniniwala,
Sapagkat para sa 'yo ang kapalaran, tayo ang gagawa.
Gayunpaman, matapang mong hinamon yaring alaala ng kahapon,
Matutupad kaya kung susubukan mo ngayon?

Ipinikit mo ang 'yong mga mata ngunit nakakapagtaka bakit wala kang maalala?
Pagmulat mo'y nasa ibang mundo ka na!
Mundong puno ng mga ngiti,
Walang sugat at hikbi.

Ito ang iyong pangarap,
Perpektong buhay lang ang nagaganap.
Gayunpaman, bakit ganoon?
Bakit parang mas masaya ang mundong puno ng pagsubok?
Hinahanap-hanap mo ang mga problemang dahok.
Wala kang matutunang lekson ng buhay,
Sapagkat lahat na ay makulay.

Ano pa ang silbi ng utak at puso?
Pusong nilikha para sa sakit at ligaya.
Utak na kailangan gamitin upang ikaw ay lumigaya?

Humiling ka ng imposible na ngayon ay nangyayari,
Naghamon ka at pinagbigyan, ngayon mamili ka nais mo pa bang bumalik sa kasalukuyan?

Hinahayaan kang ngumiwi, at tumawa,
Upang iyong matutunan na tawagin Siya.
Hindi mo na kailangang maghamon kung totoo ang Kapalaran.
Sa daloy ng buhay, ikaw na lang ay sumabay,
Tanggapin mo ang mga pagsubok na may kakapit-kamay.

Koleksiyon ng mga Tula (Tagalog)Where stories live. Discover now