Tiwala

21 0 0
                                    

Kung manamit siya ay magara,
Makapal pa ang kulay sa mukha.
Halos wala nang itinatago sa katawan,
Pagda-dalawang-isip na takpa'y iniiwasan.

Iyon daw kasi ang uso,
Kailangan daw na sumabay sa ikot ng mundo,
Sapagkat 'yon ang sabi ng kaniyang mga kaibigan,
Kung hindi susunod, siya'y iiwasan.

Gayunpaman siya'y hindi kumportable,
Hinahap-hanap ang pagiging simple,
Ngunit hirap siyang magpakatotoo,
Sapagkat wala raw tatanggap sa tunay niyang pagkatao.

Tama ba ang kaniyang paniniwala?
O, sa ibang tao'y wala lang siyang tiwala?

Koleksiyon ng mga Tula (Tagalog)Where stories live. Discover now