Natatanging Solusyon

23 0 0
                                    

Ang ng lahat tao'y hindi nawawalan ng problema,
Lalo na kung ito'y mula sa karanasang puno ng saya,
Kung gaano kalaki ang ngiti mula sa labi,
Ganoon din kalaki ang hikbi kapag ito'y binawi.

Ang mundo'y bilog at umiikot,
Gaya ng emosyon nating pasikot-sikot,
Luha, saya, lungot, ligaya.
Animo'y baliw, hindi ba puwedeng tumigil sa isa?

Mga emosyong sa depresyon nauuwi,
Sa pagkabalisa ito ang sanhi.
Sa pagkabigo ano ang solusyon?
Anong dapat gawin, upang mabigyang aksyon?

Kung ika'y litong-lito, may malalapitan ka,
Kung akala mo ika'y nag-iisa, nagkakamali ka,
Ang Diyos ay makikinig Siya ang una mong tawagin,
Ituturo Niya ang landas na dapat mong  tahakin.

Gawin mo huwag puro "Opo"
At Siya'y sisisihin kapag ika'y nabigo.
Subukan mong amuyin ang simoy ng hangin,
Maging matatag ka't lahat ng ipapayo'y sundin,
Walang mawawala sa 'yo kung susubukan mo,
Kaysa balewalain at matigas ang ulo.


Koleksiyon ng mga Tula (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon