Teknolohiya

286 0 0
                                    

Nakaraa'y maibabalik pa ba?

Noong panahong hindi teknolohiya ang nagbibigay saya.
Noong sa personal nagkikita ang mga magkakasintahan,
Hindi sa video call dinaraan.
Noong ang mga bata'y naglalaro sa lansangan,
Marumi man --- mga laro'y nagbibigay lakas sa pangangatawan.
Hindi tulad sa kasalukuyan, nakakasira ng mata,
Daan pa, imbes na sa pag-aaral sa teknolohiya napupunta.

Gayunpaman, salamat sa teknolohiya,
Naging sagot ngayong pandemya,
Naging daan para sa komunikasyon,
Mga maliliit na trabaho'y mayroon ding bersyon.

Ang tanong pagkatapos ng pandemya,
Ang aasahan pa rin ba ay teknolohiya?
Pagbalik sa mga gawain kahapon wala na bang pag-asa?

Umiikot ang mundo,
Hiling ko, bukas tagu-taguan muli ang maging uso.

Koleksiyon ng mga Tula (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon