Gulong ng Pagkakaibigan

61 0 0
                                    

Masakit iwanan ang mga tunay na kaibigan,
Maging maikli o mahaba man ang inyong pinagsamahan.
Nakakalungkot pero kailangang gawin,
Lalo na kung dapat, para sa kareka natin.

Pagmulat ng mga mata tuwing umaga,
Hawak mo na ang koneksyon mo sa kanila.
Tuwing gabi, antok ay nilalaban,
Upang makasabay sa kanilang kalokohan.

Tama nga sila, hindi nasusukat kung gaano katagal,
Ang mahalaga ika'y sumugal.
Kaya naman ang naging resulta ay pagmamahal.
Parang pag-ibig na nabuo ng mabagal.

Ganoon talaga, kailangang tangapin,
Sapagkat ganiyan ang gulong ng palad natin.
Saan ka man dalhin ng iyong tadhana,
Sumabay na lang tayo, wala na tayong magagawa.

Koleksiyon ng mga Tula (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon