Para Sa Inyo

131 0 0
                                    

Ikaw na nagbabasa nito,
Nagpapakita ng importansya sa tulang nilikha  ko,
Sumusuporta sa mga akda ko,
Maganda man o hindi tuloy-tuloy pa rin ang pagbabasa mo.

Hindi importe kung may reaksyon at komento,
Ang mahalaga binabasa mo.
Salamat sa pagbubukas nitong ipinaskil ko.
Isa ka sa dahilan kung bakit nagsusulat pa rin ako.

Bumabalik ang tiwala ko sa aking sarili,
Hindi na pinapansin ang mga Bashers sa tabi-tabi.
Nagbubukas muli ang pinto ng pag-asa,
Na bukas-makalawa, magtatagumpay ang inyong Diyosa.

Kaya sa huling tula ko bago mag-Bagong Taon,
Ikaw ang aking inspirasyon.
Ikaw na Basher ko,
Ikaw na kaibigan ko,
Ikaw na bumalik sa buhay ko,
Ikaw na iniwan ako,
Ikaw na nangmaliit sa kakayanan ko,
Ikaw na nagbigay ng pag-asa sa karera ko,
Ikaw na naging dahilan ng pagbagsak ko,
Ikaw na tumulong sa pagbangon ko,
Ikaw na kapamilya ko,
Ang totoo, kayo ang dahilan kung bakit matatag ako.
Sa karanasan ko mula inyo,
Nagmumula ang mga ideya ko.

Salamat sa mga alaala ng taong ito,
Nawa'y sa susunod nandyan pa rin kayo.
Gayunpaman, sana bumaliktad ang negatibo,
At dumagdag sa mga positibo.
O, paano hanggang dito na lang...

Nagmamahal,
Ang Diyosa N'yo.

Koleksiyon ng mga Tula (Tagalog)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن