Nauwi sa Pakpak ng Karimlan

0 0 0
                                    

Sarili'y 'di maapuhap ako na ba'y nasaan?
Hindi naman dito ang paraisong kinabibilangan,
Napapikit lang sandali nag-iba na ang anyo,
Kay dilim ng paligid, ingay ay mapaglaro.

Aking naaala'y ipinadala ako sa daigdig,
Pinagkatiwala ang isang nilalang na lito kung saan papanig,
Sa kaniyang pagkatao'y may kalinisa't karumihan,
Pinaalalayan siya, upang sa huli'y 'di magkamali sa pagpipilian.

Naging mas matimbang ang puti,
Sakabila ng kay rami niyang pighati.
Hanggang sa dumating ang isang Demonyo,
Naging hadlang sa tagumpay ko.
Nilason ang kaisipan ng inosenteng bata,
Sinalungat ang mga itinatak sa yaring diwa.

Sa paghimlay nitong aming binabantayan,
Pagpili sa landas na tatahakin matatapos ang laban,
"Alin ang pipilin 'yong kaliwa o 'yong kanan?"
Napamahal na sa akin ang aking inalagaan,
Hindi ko maaatim na siya'y mapunta sa madilim na kaharian.

Naaalala ko na ngayon ang naging katapusan ng kuwento,
Ako nga pala'y sumugal at nagsakrisyo.
Upang hayaang niyang piliin nito ang tamang daan.
Kailangang umanib ako sa kanilang samahan,
Pagkakamaling lubos kong pinagsisisihan,
Kataksilan ng mga katulad nila'y nakalimutan,
Di siya sumunod sa aming napagkasunduan.

Koleksiyon ng mga Tula (Tagalog)Where stories live. Discover now