Umaasa Akong Makikita Ka Pa

3 0 0
                                    

Sa pagmamahalan nati'y walang makakapantay,
Dito sa mundo ikaw ang aking buhay.
Sa bawat hakbang Diyos ang ating gabay,
Kaya't sa pag-ibibigan nati'y walang makapaghiwalay.

Laman ka ng puso ko't isipan,
Solusyon sa bawat problemang nararanasan,
Lakas kapag tuhod ko'y nanghihina,
Ikaw ang pinakaepiktibong taga-pahid ng aking luha.

Ngunit ang tadhana'y malupit,
Walang pusong 'di makakaranas ng sakit,
Pagsubok ay binibigay upang lalong tumatag,
Dapat lang huwag maging mahina upang di matibag.

Bakit pagkakalayo ang pinatang sa atin?
Isa sa mahirap harapin.
Ka'y saya noong ika'y nasa aking piling,
Sa puntong nawala ka parang ayoko nang gumising.

Hindi ko alam kung paano ko ito malalagpasan,
Saan kita hahanapin upang maituloy ang ating kasaysayan,
Ako'y umaasa na ika'y makikita pa,
Ikaw ang nais kong makasama hanggang sa huling-hininga.

Koleksiyon ng mga Tula (Tagalog)Where stories live. Discover now