Hiram na Pag-ibig

4 0 0
                                    

Ka'y sarap langhapin ang simoy ng hangin,
Tanawin ang mga nagkikislapang bituin,
Pakinggan ang mga ibong umaawit,
Panoorin ang paglubog ng araw sa langit,
Laruin ang tubig na dumadaloy sa dalampasigan,
Sumayaw at kumanta kahit walang musika sa ilalim ng kalangitan,
Walang makapupukaw sa saya,
Kung mahal ka ng taong 'yong kasama.

Nariyan siya sa 'yong tabi pinapanood ang 'yong ngiti,
Ngunit ibang tao ang sa mata niya'y sumasagi,
Ikaw ang asawa sapagkat kinakailangan,
Naisin man ngunit di ka niya matakasan.

Halos ibigay mo na sa kaniya ang mundo,
Lumuhod at magmakaawa, upang mapa-sa 'yo lang ang kaniyang puso.
Ka'y hirap tanggapin na PAG-IBIG NIYA'Y HIRAM,
Ano bang mali sa 'yo't wari siya'y nasusuklam.

Kung ibabalik mo ba siya sa kaniyang kaligayahan,
Makikita ka kaya niya kahit bilang kaibigan?
O, baka tuluyan ka na lang niyang kalimutan,
Habang nagpapakasaya sa ibang tahanan?

Koleksiyon ng mga Tula (Tagalog)Where stories live. Discover now