Ikaw at Ako

22 0 0
                                    

Ikaw at Ako
ni: Dheekhaye Borja

Ikaw ang nagbigay ng kulay sa madilim kong nakaraan,
Nagsilbing pag-asa sa tuwing may pag-aalinlangan.
Pagmamahal mong inialay ng walang pag-iimbot,
Susi sa tagumpay at pangarap kong maaabot.

Lagi kang nariyan tuwing ako'y nag-iisa,
Hikbi sa aking labi'y napapalitan ng saya.
Mga biro mong sablay ay nagbibigay buhay,
Sa tulog kong diwa, iyon ang nagsisilbing gabay.

Salamat sa mga sakripisyo mo sa magulo kong mundo,
Binuo mong muli ang wasak na puso ko.
Ano't ano pa man ang iyong nakaraan,
Handa 'kong tanggapin, mahalaga ay kinabukasan.

Anyo ng ating pagmamahala'y sadyang kakaiba,
Hindi nawawalan ng pagsubok, kapit-kamay tayong dalawa.
Kaya't ngayong Araw ng mga Puso ito lang ang masasabi ko,
Habang-buhay may IKAW AT AKO.

Koleksiyon ng mga Tula (Tagalog)Where stories live. Discover now