Panaginip

26 0 0
                                    

Sa panaginip lagi kang dumadalaw,
Nakakainis ang sarap sumigaw.
Matagal na kitang pinalaya,
Sa diwa ko, ano pa ang iyong ginagawa?

Sa totoong mundo ang lahat ay kontrolado,
Sa panaginip ako ang dehado.
Anong kailangan kong gawin, Upang ako naman ang iyong palayain?

Ang hirap mabuhay sa panaginip ng nakaraan,
Lalo na't masaya ka na sa kasalukuyan.
Minahal kita, ikaw lang at walang ng iba,
Ngunit sinaktan mo ko't iniwang nag-iisa.

Ang tanong, bakit pa ako apektado?
'Di ba't sabi ko, ayoko na sa katulad mo?
Huwag ka nang dumalaw sa yari kong panaginip,
Hayaan mo nang sa aki'y may sumagip.

Pakiramdam ko kasi'y ayoko nang magising,
Tuwing nakikita ka kahit anyong hangin.
Baka ang pagmulat ay 'di ko na gustuhin,
Sapagkat ang totoong pangarap ko, sana'y iyong mahalin.

Koleksiyon ng mga Tula (Tagalog)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant