Pagdurusa

75 0 0
                                    

Bilog ang mundo...
May gulong ang palad...
May taas at may baba...
May kanan at kaliwa...

Ang tao'y hinubog ng magkakaiba,
Lahat tayo'y may karamay 'di tayo nag-iisa.
Didilim ang 'yong mundo kung ito'y nanaisin mo,
Kapag nagpadala ka sa agos ng kahinaan mo.

Kumapit ka sa palad na nakalahad,
Bago ito bawiin ng magtuturo sa 'yo kung paano lumipad.
Halimuyak ng matiwasay na hingin,
Huwag kang mag-alinlangang damhin.

Kailangan mo nang bumaba pagsapit ng takip-silim,
Magpasalamat ka bago magdilim.
Binigyan ka ng pagkakataon kahit ika'y makasalanan,
Umaasang ika'y magbabago, kinabukasan.

Ngunit ang lahat ay nabalewala,
Heto ka naman mapagmalaki sa kapwa.
Hindi nagbago ganoon pa rin ang tono,
Mas naging sakim at hindi nagpapakatotoo.

Hanggang isang araw ay nalugmok ka,
Ang dating mapagmalaki'y hindi na masaya,
Binato ng dilim ang maliwanag mong kahapon,
Walang patid ang luha mo ngayon.
Nais mo nang mawala sa mundo,
Durog na durog ang puso mo,

Naalala mo ang pinaramdam sa 'yong saya,
Ang simoy ng hangin habang lumilipad ka,
Binigyan ka ng pag-asa ngunit binalewala mo,
Maling landas ang pinili mo.

Pinagtatawanan ka't nilalaitait,
Katulad noong ginawa noong pakiramdam mo'y parang kang nasa langit,
Huwag kang lumisan sa matiwasay na mundo,
Magdusa ka muna bago ka mawala sa mata ng bawat tao.

Koleksiyon ng mga Tula (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon