Takip-Silim

5 0 0
                                    

Ang pagsikat ng araw ay bagong umaga,
Bawat sinag nito'y nagbibigay ng pag-asa.
Liwanag nito sa buhay ay may malaking saysay,
Nilikha ng Panginoon upang sa mundo'y magbigay kulay.

Ka'y sarap daw pagmasdan nang pagtatakip-silim,
Payapa ang kalangitan habang dumi-dilim,
Araw ay namamaalam, buwa'y kumakaway,
Kalakip ng mga butuing nakaalalay.

Maihahalintulad ba ang takip-silim sa ating buhay?
O, kahit anong gawi'y walang ideyang mahuhukay?
Ang paglubog ng araw ay walang kahulugan,
Di gaya ng pagsikat na ngiti ang pasan-pasan.
Huwag nating ikumpara ang araw at ang buwan,
Sapagkat pareho silang may silbi sa kalawakan.

Koleksiyon ng mga Tula (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon