Chapter 03

2.9K 85 43
                                    

"WHERE ARE you, Sera? I'm at the exit

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"WHERE ARE you, Sera? I'm at the exit."

"Palabas na ako, wait—I can see you na Kuya!" I said before quickly ending the call and running towards Kuya Baker.

I immediately hugged him. "I've missed you!"

"How was your flight?" he asked after we pulled away.

"Tiring... and I'm famished!" I pouted at him, and he just tousled my hair like a kid.

"Stop doing that! I'm not a kid anymore,"

"You're still a kid to me," sabi niya, at tumawa siya nang sumimangot ako. "Let's go."

Si Kuya Baker na ang nagdala ng mga maleta ko. Pinagpapawisan na ako agad kalalapag ko pa lang sa Manila. Palinga-linga ako sa paligid habang naglalakad kami papunta sa SUV niya.

Ganon pa rin naman ang Manila. Ang pagkakatanda ko 4 years ago pa noong huling umuwi kami ni Mom dito sa Pilipinas dahil sa Silver Wedding Anniversary ng parents ni Kuya Baker.

Grabe ang tagal na pala! Matanda lang ng isang taon si Kuya Baker sa'kin pero kung ituring kasi niya ako parang akong bata sa paningin niya! Kung alam lang siguro ni Kuya kung anong mga natutunan ko sa LA, baka magulat siya hindi na talaga ako bata mag-isip!

"How's Tita?" tanong niya habang nasa daan na kami. Sobrang dilim na sa labas dahil 3 AM na. Madaling araw kasi ang arrival ko sa Manila from LA.

I sighed before answering, "S-she's... fine, I guess?"

Kuya Baker didn't ask any more questions because he knows how hard it is for me to leave Mom alone in LA. It's not like I have a choice naman. Si Mom mismo ang nagpadala sa'kin dito sa Manila at wala akong magagawa kung hindi ang sundin siya.

Ang family ni Kuya Baker ang pinaka-close ko sa mga family ng kapatid ni Mom. Madalas kasi sakanila kami nakiki-stay kapag bumibisita kami dito sa Manila simula noong bata pa ako at mas nakakasundo ko sila kesa sa ibang mga pinsan ko.

Dahil wala namang traffic at madaling araw na kaya nakarating kami agad sa condo ni Kuya Baker. For the meantime, dito muna ako sa condo niya dahil hindi pa nakakaalis 'yung nakatira sa unit na lilipatan ko sa Empire. Excited na nga ako kasi noong nag-search ako ng pictures ng Empire sobrang ganda noong building! Parang mga condo buildings lang din sa LA, 'yung alam mong sosyalin ang mga nakatira. Tapos kwento pa ni Mom na mahirap palang makakuha ng unit doon dahil madalas occupied lahat kahit na mahal, pero dahil sa tulong ni Kuya Baker and his friend daw kaya agad kong nakuha 'yung unit kahit na may list of people na nakapila pag may biglang vacant unit.

Maganda rin 'tong condo ni Kuya Baker. He told me na half an hour lang din 'to from Empire, kaya madali lang niya akong mapupuntahan in case na I needed something.

Kanina medyo nalulungkot pa ako dahil maiiwan ko si Mom sa LA pero ngayon parang excited na akong mag-ikot sa buong Manila dahil nakaka-miss din pala!

Right Here, Right Now (Empire #3)Where stories live. Discover now