Anong karapatan nilang iwan ako dito sa Earth?! Tch! Pangarap kong makasakay ng UFO at kung nawala na sila, saan naman sila dinala kung ganun?

Hays! Nakakagutom ang mag-ikot at hanapin ang mga estudyante. Mukha tuloy akong nakikipaglaro ng tagu-taguan at ako ang taya. Nakakabaliw naman.

"Make sure na walang makakalabas ng buhay."

Hmm? Hindi si Dean ang lalaking 'yun? Kakaiba ang suot niya. Ganun din ang mga kasama niya. Para silang mga kulto. Saan naman siya pupunta? At anong ibig sabihin niya sa-------Huh?! Wag mong sabihing-----lalabas siya ng school?! Nasaan ang iba?!

"Patayin ang mga estudyanteng maiiwang buhay, ako na ang bahala kay Rea at Aries."

Wha-------What the hell?! Anong sinasabi niya?! Hindi ko maintindihan! Traydor si Dean?! Kung ganun, kinidnapped niya lahat ng estudyante dito?! Pati sina Trixy?! Kung totoo man, saan niya dinala ang mga rango?!

"Kayo na ang bahala rito."

Nakita ko siyang sumakay sa itim na limo at mabilis na nakaalis. Samantalang bumalik naman sa loob ang tatlong tao. Pumasok sila sa hallway kaya nagtago sa may poste. Sinilip ko kung saan sila pupunta at mukhang papunta sila sa likod ng school.

Kailangan kong malaman kung nasaan ang iba pa!














NOZOMI'S POV

What the hell happened?!



DANKO'S POV

Rea got.......stabbed!



ARIES'S POV

Damn it! Rea!






REA'S POV

"I'm impressed, sister, pero hindi na gagana ang ganyang technique sa mga katulad ko."

Sinaksak niya ako pero wala akong maramdamang sakit. Siguro dahil sanay na akong masaksak ng hindi inaasahan. Inis kong ibinaba ang espada kong nasa taas parin. Napabuga ako ng dugo nang mabilis niyang alisin ang espadang nakasaksak saakin para maitukod ko ang tuhod ko habang pinipigilan ang pagdurugo.

This is not good, I almost lost a lot of blood!

"Give up and die, sister. Give me the symbol!"

Umangat ako ng tingin saka siya nginisihan. "Over my dead body!"

Dinura ko sa gilid ang dugong nasa bibig ko saka tumayo. Pero napansin kong ang espada niya ay nasa itaas kaya naman gulat akong mapansin 'yun at hindi kaagad malaman ang gagawin.

Huli na nang magawa kong umilag. Pero saktong ang pagtama ng espada niya ay ang pagsangga naman ng isa pang armas. Nang imulat ko ang tingin ko likod ni Aries ang nakita ko.

"L-Looks like I made it time!" hirap na sabi niya.

"Rea," gayun nalamang ang paglapit ni Nozomi-senpai saakin. Pati ni Danko. "..are you okay?"

Inalalayan niya akong makatayo. Hindi ko alam kung bakit nagpaalalay pa ako sakanya kahit kaya ko naman itayo ang sarili ko ng mag-isa. Siguro nga this time, kailangan ko rin ng tulong na mula sa iba at hindi nakaasa lagi sa lakas ng katawan ko.

"Oi, Nozomi! Take Rea out of here."

Napaamang ang dila ko sa sinabi ni Aries. Ano kamo?! Take me away from here?! No way..! Hindi ako pwedeng umalis nalang basta-basta! Paano sila?! At paano si Ms. Riku?!

"What?! N-No, I'm not leaving you guys-----"

"No, you have to and you will! Nozomi! Now!"

"C'mon, Rea------"

"I said no! Hindi ako aalis! Hindi ako tatakbo sa laban na 'to!"

"Rea, your safety is my top priority, kung mawala kapa....hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko."

Naguluhan ako sa sinabi niya. Safety ko?! Kapalit ng kaligtasan nila?! Hindi ko gustong mabuhay kung dadalhin ako ng konsensiya kong iwanan sila rito.

"Rea, listen to him please!"

"No, I'm going to save Ms. Riku! Kapag nailabas ko na siya rito susunod na ako! Lalabas na ako! Kung mailabas ko lang si Ms. Riku dito!"

"Tch!"

"Kailangan kong mailigtas si Ms. Riku! Let me fight----"

"Ms. Riku is dead, okay?!"

Natahimik ako bigla. Tila ba may kung anong bagay ang humarang sa pandinig ko't hindi naging malinaw ang kanyang isinigaw.

"She's dead! Ms. Riku is dead, don't you understand?! Now get the hell out of here!"

W-What is he......talking about?






[See you on the next Chapter...]

Hamura High School 2 | ✔Where stories live. Discover now