Kapwa bumilog ang mga mata ko sa nakita.

*gasp*

Otso….libro nga.

Pero hindi ‘yong book ang nagsalita ah.

Inalis ng lalaki ang librong nakatakip sa mukha niya at umupo.

Medyo magulo ang kulay tsokolate niyang buhok na mahaba at bagsak. Kahit seryoso ito mayroon siyang mukhang anghel. Nakakainggit ang kutis ng mukha niya, parang ang lambot saka ang kinis.

"Done checking me?," malamig niyang sabi.

Napatuwid naman ako nang tayo." Ah..aa..anong ginagawa mo rito?"

Tinignan niya lang ako. Walang emosyon ang mga mata niya. Tinapon niya ang librong nasa mukha kanina at nagsimulang maglakad.

 "Observe silence," sabi niya nang lagpasan ako.

Tulala naman ako. Ang gwapo niya kasi. Para siyang bidang artista sa mga korean drama na napapanood ko.

 Laway...............tumulo..........

*END OF FLASHBACK*

Lagi pala siyang natutulog sa may library. Simula no'n excited na akong maglinis do'n. Siya ang dahilan kaya gusto kong mag-stay sa sa EU. Hindi nga lang ako nakakuha ng information tungkol sa kanya dahil wala talaga akong balak. Sa library ko lang din siya nakikita at bilang ko sa daliri ko ang conversation namin. Lagi lang naman s’yang ntutulog do’n eh.

Grabe nasa isang school kami pero wala man lang akong alam tungkol sa kanya. Mas mabuti na rin 'yon kaysa pag-initan ng mga babaing feeling nila ay pag-aari nila ang mga lalaki sa EU.

Hiyang n’ya ata ang pagkawala n’ya. Lalo s’yang ano….

Ano ba ‘yan..>///<

"Val tignan mo siya oh..kinikilig," sabi ni Nari na nakatutok ang mukha sa akin.

"Hayaan mo 'yan nang mag-asal tao naman," bagot na sagot ni Val.

"Syn ano na pala nangyari sa pagiging P.A. mo sa Black Demons," kumikinang ang mga mata ni Nari nang banggitin ang grupong 'yon.

Biglang nawalan ng kulay ang maganda kong mundo sa tanong niya. Panira talaga ang mga demonyo.

"Pft..mga demonyo pa rin sila," walang gana kong sabi.  Nakwento ko na ang nangyari. Pero 'tong isang 'to imbes na matakot o magalit naexicite pa ang bruha.

"Bkit ka ba nagpapaapi sa mga ‘yon?," napaupo ng tuwid si Val. Hot na hot naman. Hindi raw siya makakapayag na inaapi ako nang mga demons.

"Grabeehhh, ang swerte mo Syn. Sa mga naririnig ko talagang gwapo raw sila.Kyahhh!" Kung makasigaw naman 'tong si Nari, wagas, parang wala ng bukas.

Swerte, gwapo? Isang malaking question 'yan.

"Naniwala ka naman sa mga sinasabi nila?" pinanlakihan ko s'ya ng mata. "Ang totoo, mukha silang mga demonyo," sabi ko sa nakakatakot na tono.

Nanlaki ang mata ni Nari. Nagpaligsahan na kami sa pagbinat ng eyeballs. Linapit ko ang mukha kong seryoso at tinitigan siya sa mata. “Malalaki ang mupupula nilang mga mata. Usli ang maiitim na ngipin, may malalaking ilong at pabrika sila ng usok. Kapag ngumisi sila, hihilingin mo na lang na sana ay hindi ka na nabuhay pa. Naiintindihan mo?" sabi ko sa pang-horror na boses.

Namutla si Nari. Sunod-sunod ang paglunok niya at pinagpapawisan nang malapot. Inagaw niya ang juice ni Val saka inisang lagok.

"Lechugas, palayasin ko kaya kayong dalawa," bulyaw niya.

THE BLACK DEMON'S HEARTWhere stories live. Discover now