Naisipan kong surpresahin sya isang hapon. Nasa dalawang linggo na ata kaming hindi nagkikita at nagkakausap. Miss na miss ko na sya.

Pagdating ko sa burger house nila ay nagulat ako nung maabutan ko doon si Danna. Bakit sya narito?

Napakunot ang noo ko nung lumapit kay Danna si Nico at nginitian ang babae. Medyo kubli ang pwesto ko kaya hindi nila ako kita. Nakamasid lang ako sa kanila habang nagtatawanan sila..

Umalis ako sa lugar nung biglang tumulo ang luha ko. Nasasaktan ako dahil nauulit na naman yung nangyari noon. Bakit ba ang tanga tanga ko? Bakit ang rupok ko pagdating sa lalaking yun?! Hindi na ako nadala.

Lakad ako nang lakad na parang walang direksyon. Ayaw ko pang umuwi. Pakiramdam ko ay sasabog na ang puso ko. Ayoko na. Sawang-sawa na akong masaktan.

Tumingin ako sa kalangitan at nakita ang magagandang bituin.

"Hangga't may bituin sa langit, mamahalin kita!" Parang sirang plakang paulit-ulit kong naririnig ang boses ni Nico. Ang sinungaling nya!

Napadaan ako sa isang tulay. Lumapit ako doon at pinagmasdan ang tubig sa ilalim. Doon ako umiyak nang umiyak. Wala akong pakialam sa paligid. Wala nang mga taong naglalakad pero marami paring mga sasakyan ang dumadaan. Isinampa ko ang isang paa ko sa barikada. Ito nalang ang paraan para matakasan ko ang lahat ng sakit na ito.

Napapikit ako nung biglang may ilaw na tumama sa mukha ko. Nakakasilaw iyon. Ihinarang ko ang braso sa mukha at bumaba pansamantala sa pagkaka-akyat sa barikada.

Napapikit ako nang mariin nung naramdaman kong may tumama sa katawan ko dahilan para tumalsik ako kung saan. Tumama ang ulo ko sa gutter ng kalsada. Malakas ang impact kaya parang namanhid ang buong katawan ko at namingi ang tenga ko.

Pagmulat ko ay maraming tao ang nagkakagulo sa paligid. Anong nangyari? Parang himala na nawala ang sakit ng katawan ko. Agad akong tumayo at pinagpag ang damit ko. Natauhan ako at mabilis na umalis sa lugar dahil naalala kong kailangan ko nang umuwi. Baka hinahanap na ako nina Daddy. Nakarating ako sa bahay at dumeretso sa kwarto. Tahimik ang paligid at patay ang mga ilaw. Parang walang tao sa bahay. Mabuti na rin yun dahil ayokong makita nina Daddy ang pugtong mata ko.

Pagdating sa kwarto ay muli akong ginupo ng lungkot. Hinalungkat ko ang kahon sa ilalim ng kama kung saan naroon lahat ng mga bigay ni Nico. Gusto ko itong itapon, gusto kong silaban pero hindi ko kaya.

-End of flashback

Sa muling pagmulat ko ng mga mata ko ay si Nanay Tina ang nabungaran ko. Nag-aalalang nakangiti sya sakin at inalalayan akong umupo. Mahirap dahil ang laki na ng tiyan ko. Parang any minute ay puputok na yun. 

"Nasaan po sina Mommy, Nay?" Tanong ko sa kanya nung abutan nya ako ng tubig. Agad ko namang kinuha yun dahil parang nanunuyo ang lalamunan ko.

"Umuwi muna. Pinagpahinga ko muna sila dahil dito na kami nagkampo simula nung naospital ka" tumango tango ako. Baka kaya sinasabi ni Paul Aries na nasa bakasyon sina Daddy. Nababaliw na ata ako. Hindi ko alam kung ano yun. Panaginip ba, o imagination lang. Pero according kay Daddy, totoong tao si Paul Aries. Nakagat ko ang ibabang labi ko nung may naalala.

"Nay, may kilala po ba kayong Paul Aries?"

"Yung nakasagasa sayo?" Yun ba yung kasalanan nyang hindi nya masabi sakin?

When The Stars AlignNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ