Chapter 8

43 7 3
                                    

Stellar Calaia Anne's

"Hon, 7:30-1:00 lang yung schedule ng klase namin" balita ko kay Nico nung nakapag enroll na ako at nakuha narin ang mga scheds ko.

"Sige susunduin nalang kita sa inyo ng mga 6:30 tapos ihahatid kita sa school tapos pagkahatid ko sayo, diretso na ako sa trabaho. Evening session kasi ang kinuha kong shift sa school dahil nga sa trabaho ko" sabi nya sa kabilang linya kaya napakunot ang noo ko.

"Ha? May pang gabi sa school nyo?" Sa school kasi namin ang alam ko hanggang 6pm lang ang mga klase.

"Oo karamihan din kasi ng pumapasok dito mga working students din" napatango tango nalang ako kahit hindi nya nakikita.

"Kaya mo ba yun?" Natawa naman sya. Nakakainggit sya dahil ang positibo nya lagi.

"Kakayanin" alam ko namang kaya nya yun. Siguro ako nalang din ang mag-aadjust.

Dumating ang araw ng pasukan at gaya nga ng sabi nya, 6 am palang ay nasa bahay na sya at sinusundo ako. Sya pa nga ang nagluto ng breakfast ko dahil medyo masama ang pakiramdam ni Mommy tapos maagang pumasok si Daddy.

"Ang laki na ng eye bags mo, Hon" puna ko sa kanya habang kumakain ako. Nakahalumbaba lang sya sa harap ko at papikit-pikit pa.

"Closing kasi ako kagabi kaya 1 am na ako nakauwi tapos maaga pa akong gumising" mahinang sabi nya.

"Dapat di mo na ako sinundo. Dapat nagpahinga kana muna. May klase na din kayo mamaya e"

"Okay lang ako"

"Parang di naman kasi" nakangusong sabi ko kaya natawa sya at umayos ng upo.

"Okay lang ako, Hon. Saka ito na nga lang yung pagkakataon kong makasama ka man lang sa maghapon"

"Fine pero wag mo ring kakalimutang alagaan yung sarili mo"

"Opo" ngumiti sya kaya napanatag na rin ako.

Hinatid nga nya ako hanggang gate ng school namin. Nakakapanibago dahil hindi na kami magkasama at kaunti nalang din yung oras namin sa isa't-isa.

"Text mo ako pag nakauwi kana sa bahay ha" sabi nya at ginulo pa ang buhok ko kaya sinamaan ko sya ng tingin.

"Opo!" Kinunutan ko pa sya ng noo kaya dinutdot naman nya ang nguso kong nanunulis din.

"Pasok kana. I love you" nakangiting sabi nya.

"Opo. Ingat ka ha. I love you too" humalik ako sa pisngi nya bago tuluyang tumalikod na. Nung nakapasok na ako ng gate ay lumingon ulit ako sa pwesto nya at nakita kong naroon pa din sya kaya kinayawan ko sya.





"Cala, break na kami ni Jarred" nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Eunice. Nandito kami ngayon sa isang food chain na malapit lang sa school. Maaga kasi ang dismissal namin dahil wala yung prof namin sa last period.

"Bakit? Ang tagal nyo na ah" three years na ata sila.

"Wala nang spark e"  simpleng sagot nya at sumubo ng spaghetti.

"Ganun nalang yun?" Kunot na kunot noong tanong ko. Okay pa sila last time dahil sinundo pa sya ni Jarred sa labas ng room namin.

"Alam mo kasi Bessy, minsan magigising ka na lang na wala ka nang nararamdaman. Yung wala namang taong involved, walang mabigat na dahilan pero simply you fell out of love"

"Hindi mo na mahal si Jarred?" Bumuntong hininga naman sya.

"Mahal. Kaya lang hindi ko nakikita yung sarili kong naghahabol na sa kanya. Sinabi nyang napagod sya and somehow nagsawa na rin kaya anong magagawa ko dun?"

When The Stars AlignUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum