Chapter 30

54 8 0
                                    

Stellar Calaia Anne's

"Where are we going, Mom?" Kunot noong tanong sakin ni Aris habang binibihisan ko sya.

"Kay Tito-Ninong Paul. Birthday nya kasi ngayon" nakangiting sabi ko. Lagi kaming pumupunta dun pag may pagkakataon kaya kilala na rin sya ni Aris. Kahapon pa daw dumalaw sina Tita Pauleen doon dahil may kailangan syang puntahan ngayon.

"Dadala tayo ng flowers at candles, Mommy?" Pinisil ko ang ilong nya at hinalikan sya sa pisngi.

"Opo then magpepray tayo" tumango-tango sya at bumaba na sa bed. Lumabas sya ng kwarto ko, siguro ay mangungulit na naman kina Daddy. Ako naman ay nagsimula na ring mag-ayos ng sarili. Simpleng black dress lang ang sinuot ko at doll shoes.

Nagbaon lang ako ng pamalit na damit ni Aris at mga pamunas ng pawis. Dinalhan ko rin sya ng mga biscuits at tubig dahil panigurado akong mamaya ay gugutumin na naman sya.

"Aris! Let's go na baby" tawag ko sa kanya habang bumababa ng hagdan. Napailing nalang ako nung makitang nakikipaghabulan sya sa Lolo nya.

"Aris naman, tingnan mo pawis kana agad" nagtago lang sya sa likod ng Lolo nya kaya napahalukipkip nalang ako.

"Dad, kakaligo lang nito e" nakangusong sabi ko pero nginisihan lang ako ni Daddy.

"Yaan mo na. Ganyan ka rin naman dati" binelatan ko lang sya at kinuha na ang anak ko.

Bago pa kami makaalis ng bahay ay binihisan ko ulit sya ng damit at pinulbusan.

"Cut na natin yung hair mo, baby. Medyo mahaba na e" tumatakip na kasi sa mata nya yun. Tumango lang ang bata at humawak sakin.

Isinakay ko sya sa sasakyan at sinuotan ng seatbelt. Nung nasigurong okay na sya ay saka ako sumakay sa sasakyan. Nag-aral ulit talaga akong magmaneho dahil pakiramdam ko ay mas safe ito sa aming mag-ina. Gaya noon ay may takot pa rin pero sa awa ng Diyos ay hindi pa naman kami naaaksidente. Hindi rin naman kasi ako nagdadrive pag malayuan ang byahe.

Tahimik ang byahe. Panaka-nakang sinisilip ko si Aris sa tabi ko at nakita ko namang komportable sya. Pakanta-kanta pa sya habang nakatingin sa mga building na nadadaanan namin.

"Mommy, sabi ni Dada may surprise sya sakin sa birthday ko" biglang sabi ni Aris. Buti nalang at traffic kaya napatingin ako sa kanya at napailing.

"Kahit kailan talaga yang Ninong Charles mo" bubulong bulong na sabi ko. Ano na naman kaya yun? Sabi nang wag inispoiled ang bata e.

Buti na nga lang at may mga anak na rin ang mga kaibigan ko kaya hindi na masyadong spoiled si Aris sa kanila. Sina Eunice at Hannah nalang ang walang anak samin kaya pag nagkikita kita kami, para lang kaming yaya ng mga paslit. Nauubos nalang ang oras namin sa pagsasaway sa mga bata dahil hindi naman pwedeng iwan nalang namin sila. Minsan nga nagkikita kita nalang kami pag may nagbirthday sa mga bata. Hindi na rin kami nakakapag girl's night out gaya noon. Marami na ngang nagbago at so far, masaya naman ako sa mga pagbabagong yun.

Nung nakarating kami sa cemetery at nakababa ako ng sasakyan ay inayos ko ang mga dala ko. Dumaan muna ako ng shop ko para kumuha ng bulaklak kaya medyo tanghali na kami nakarating dito. Pinahawakan ko kay Aris ang mga kandila habang dala ko naman sa isang kamay ang bulaklak. Inalalayan kong makababa ng sasakyan si Aris at mahigpit na hinawakan ang isang kamay nya.

"Aris, wag tatakbo ha" bilin ko sa kanya. Magalang na tumango naman ang bata. Tahimik na naglakad kami patungo sa lugar kung saan naroon si Paul Aries. 32 na daw sya ngayon kung nabubuhay pa sabi ni Tita Pauleen.

Nung nakarating kami sa lugar na pakay ay agad na napangiti ako. Umupo ako sa damuhan at hinaplos ang pangalan nya sa lapida.

'Paul Aries Tuazon-Sarmiento'

When The Stars AlignWhere stories live. Discover now