Chapter 7

37 7 3
                                    

Stellar Calaia Anne's

"Mendoza, Stellar Calaia Anne C.
-Champion in interschool poster making contest
-Champion in District and Division Science Quest (poster making and on-the-spot painting category)
-Second placer in Regional Science Quest (poster making category)
-First Placer in National Science Quest (poster making category)
-Artist of the year
-Editorial writer and cartoonist of The Glimpse
-Best in Science
-With honors"
umakyat ako sa stage para kunin ang mga medalya ko kasama sina Daddy at Mommy at kanina pa sila pisil nang pisil ng magkabilang kamay ko.

"Proud na proud kami sayo, Baby" nakangiting sabi ni Daddy habang sinasabit nya ang mga medalya ko.

Tumingin ako sa audience at nakita kong nakatayo pa talaga si Nico habang pumapalakpak at parang proud na proud sya. Nginitian ko sya at nakita kong pasimpleng nagflying kiss pa sya kaya umiwas ako ng tingin. Kahit kailan talaga!

"Congratulations, Bessy!" Nakangiting bati ni Eunice pagkaupo ko sa upuan ko. Maging sya ay marami ring medal na natanggap kaya talagang nakakaproud.

"Congratulations, IV-Aguinaldo" nakangiting bati ng class adviser namin kaya tumayo kaming magkakaklase at pumalakpak. Pagkatapos noon ay umupo na kami at matiyagang naghintay habang inaawardan ang ibang section. Merong 10 sections ang fourth year kaya nakakainip.

"IV-Jaena" napaayos ako ng upo at agad na kinuha ang cellphone ko nung narinig kong tinawag ang section nina Nico.

"Rosales, Dale Nicholas S.
-Best in Araling Panlipunan
-Best in Math
-Conduct Awardee
-Role Model of the year
-With Honors"
Nakakaproud ang boyfriend ko. Daig pa ako. Ngayon ay alam na alam ko na yung pakiramdam ko kanina. Nagvideo ako habang sinasabitan sya ng Mama nya ng mga medalya. Kita ko sa mga mata nyang proud na proud sya sa anak nya. Talaga naman kasing kahanga-hanga ang pinakita ni Nico ngayong taon.

Pagkatapos ng graduation ay nagpicturan pa kami ng mga kaklase ko. Naramdaman kong may humawak ng kamay ko kaya napangiti ako.

"Congratulations, Hon" nakangiting bati nya. Pinisil ko naman ang kamay nya at sinuklian rin sya ng ngiti.

"Congratulations, Hon" sabi ko kaya nanlaki ang mga mata nya at namula ang mukha nya. First time kong tinawag sya sa endearment na ginagamit nya.

"Pasaway ka" nakangiting sabi nya nung nakabawi at pinisil ang ilong ko.

"Jusko naman Nico, ang tagal na natin namumula ka pa rin" biro ko sa kanya kaya sinamaan nya ako ng tingin.

"Bessy! Picturan ko kayong dalawa" sabay kaming tumingin kay Eunice at ngumiti sa camera nya.

"Nico, daan muna kayo sa bahay. May kaunting salo-salo dun" paanyaya ni Mommy kina Nico at sa Mama nya. Mabait ang mama nya at laging nakangiti sakin.

"Ahm, pasensya na po Tita, pupunta pa po kasi kami kay Papa" nahihiyang tanggi nya. Tumango naman si Mommy.

"Sige pag makakadaan kayo sa bahay, bukas yung gate namin ha" biro pa ni Mommy kaya nagtawanan kami.

Nagpaalam na yung parents ko at sabi ko ay susunod nalang ako sa kanila. Muli kong hinarap si Nico at nginitian.

"Natatandaan mo yung first encounter natin? Sinungitan mo ako?" Nakangusong sabi ko sa kanya kaya napatawa sya.

"At binato mo ako ng sapatos. May gayuma yung sapatos mo, no?" Pang-aasar nya kaya hinampas ko sya sa dibdib nya. Hinuli naman nya ang kamay ko at hinalikan yun.

"Nung time na yun kasi naiinis ako sa parents ko dahil hindi ko maintindihan kung bakit kailangan pa naming lumipat dito. Okay na naman kami sa Manila e"

When The Stars AlignWhere stories live. Discover now