Chapter 14

34 6 2
                                    

Stellar Calaia Anne's

"Cala, sorry late ako ha. May importante lang akong ginawa" nginitian ko si Nico kahit na dalawang oras na ata akong nakatayo dito sa may gate ng subdivision nina Glecy. Debut kasi nya ngayon at nangako sakin si Nico na sasama sya.

"Okay lang po" ngumiti rin sya at hinawakan ang kamay ko. Ang sakit ng paa ko dahil may kataasang takong ang sandals na suot ko. Hindi naman daw bonggang bongga ang celebration ni Glecy. Kami-kami lang daw magkakaklase ang invited at di na daw kailangang magdamit ng bongga.

Sumakay kami ng tricycle para makarating sa clubhouse ng subdivision. Dun daw kasi gaganapin ang simpleng party ni Glecy.

Hinilot hilot ko ang paa binti ko dahil parang namamanhid na iyon. Hindi naman ako sanay sa mga ganitong sapin sa paa pero gusto kong maging presentable sa paningin ni Nico.

"Bakit kasi nagsuot ka pa ng ganyan? di ka naman sanay sa ganyan ah"

"Ah, si mommy kasi pinilit ako. Itry ko lang daw" palusot ko. Tumango tango naman sya at di na nagsalita.

Nakarating kami sa party ni Glecy at nagulat ako nung ipinulupot nya ang braso nya sa bewang ko. Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang pagngiti ko.

"Happy birthday, Glecy Marie!" Nakangiting bati ko sa kanya at niyakap sya. Ang ganda-ganda ng kaibigan ko.

"Thank you, Cala! Hi Nico. Kain muna kayo" hinatid nya kami sa table kung saan naroon ang iba pa naming kaibigan at ang mga boyfriend nila.

"Pinsan!" Bati ni Jarred kay Nico at nag-appear pa sila.

"Bakit ang tagal mo?" Kunot noong tanong sakin ni Eunice.

"Ah, traffic?" Patanong sa sagot ko at palihim na pinisil ang kamay ni Nico na nakahawak pa rin sakin. Nginitian lang ako ni Eunice pero umirap sya kay Nico. Simula kasi nung pumunta kami sa school nila ay nawala na ang amor ni Eunice sa kanya.

Pagkatapos naming kumain ay nagsayawan at nag-inuman nalang kami. Hindi traditional na may 18-18 ang party ni Glecy, bagkus ay puro walwalan lang talaga. Puro classmates lang namin ang narito at yung iba naman ay mga boyfriend/girlfriend nila.

Buong party ay nakaupo lang kami ni Nico. Nakayakap sya mula sa likod ko at nakasubsob ang mukha nya sa leeg ko. Naninibago ako sa kanya dahil ang tagal naming hindi nagkita pero ngayon ay parang ayaw nyang lumayo sakin.

"Respeto naman sa mga single" parinig ni Hannah kaya natawa kami nina Michelle. Si Hannah at Claire lang kasi ang walang kasama sa circle of friends namin.

"May nirereto ako sayo, ayaw mo naman" natatawang sabi ni Ericka.

"Ayoko ng sakit sa ulo" naiiling na sabi nya sabay inom ng beer. Juice lang ang iniinom ko dahil hindi naman ako sanay uminom.

"Pinsan, inom ka muna" yaya ni Jarred kay Nico. Naramdaman ko namang hinigpitan ni Nico yung yakap nya sakin bago tumunghay at humarap sa pinsan nya.

"Pass muna, pinsan. Baka katayin ako ni Cala" natatawang sabi nya kaya siniko ko sya.

"Ha? Kelan pa kita pinagbawalan?" Nagtatakang tanong ko.

"Baka naman kasi iba ang nagbabawal" sarkastikong sabi ni Eunice kaya tinakpan ni Jarred ang bibig nya.

Natahimik naman si Nico at hindi na sumagot sa best friend ko. Muli nyang siniksik ang mukha nya sa leeg ko. Natahimik ako dahil nakaramdam ulit ako ng munting kirot sa dibdib.

"Guys! Samin na kayo matulog. Wala naman ang parents ko dun e" yaya samin ni Glecy. Nagsitanguan naman yung iba kaya nakisang-ayon na rin ako.

"O, edi magpakalasing na tayo!" Pangdedemonyo pa nya at naglapag ng mga bote ng alak sa table namin. Binuksan naman yun nina Jarred at Rex, yung boyfriend ni Michelle.

When The Stars AlignWhere stories live. Discover now