Chapter 39

81 9 2
                                    

Dale Nicholas'

Nakatitig lang ako sa magandang mukha ng natutulog na si Cala habang katabi ko sya at nakaunan sa braso ko. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na naririto sya sakin at muli kong nakapiling.

"Anong tinitingin-tingin mo dyan?" Masungit na sabi nya pagmulat ng mga mata nya. Tinawanan ko lang sya at hinalikan sa noo. Ewan ko ba, nakucutan ako sa kanya pag nagtataray sya. Hindi kasi sya ganun sakin noon.

"Good morning, Hon" bati ko sa kanya. Ako na ata ang pinaka masaya at pinakaswerteng lalaki kung ganito kaganda ang mabubungaran ko sa umaga araw-araw.

Inirapan lang nya ako at mas sumiksik sya sakin. Umunan sya sa dibdib ko at yumakap sa bewang ko. Hanggang ngayon ay nagugulat pa rin ako sa tuwing gagawin nya yun. Para kasing nananaginip pa rin ako.

"Asan na yung anak mo?" Parang inaantok pang tanong nya. Puyat pa rin ata sya mula sa kasiyahan nilang magkakaibigan nung nakaraan gabi.

"Gusto daw nyang pumunta sa kwarto nya e. Hinatid ko naman dun kanina" napangiwi nalang ako nung naramdaman kong hinampas nya ang dibdib ko. Sadista talaga.

"Baka kung mapano yun, Nicholas. Sasakalin talaga kita!"

"Hindi yun. Nanonood lang naman sya"

"Siguraduhin mo lang, ibibitin talaga kita ng patiwarik pag may nangyari dun"

"Sya bitaw muna, kukunin ko"

"Ayaw" pakiramdam ko'y nakanguso pa sya. Hindi ko kasi makita ang mukha nya e.

"Paano ko kukunin yung anak natin?" Hindi sya sumagot at mas sumiksik pa sakin. Naninibago ako sa kanya pero wala akong balak magreklamo. Tagal ko ring pinangarap to.

Nanatiling nakahiga lang kami at magkayakap. Panaka-nakang hinahalikan ko sya sa tuktok ng ulo nya dahil hindi naman nya ako sinasaway. Susulitin ko na, baka topakin na naman mamaya.

Ilang sandali pa ay bumukas ang pinto at pumasok si Aris. Agad syang sumampa sa kama at umupo sa bandang tiyan ko. Ang bigat na ng anak ko. Hindi pa rin ako makapaniwalang nagbunga ang kapusukan namin ni Cala noon. Yun yung pinakamasayang gabi ng buhay ko at nagbunga pa ng isang napakagandang bagay. Habambuhay ko yung ipagpasalamat at hinding-hindi ako magsisising hindi ako nagtimpi noon.

"Daddy, I'm hungry" nakangusong sabi nya. Pagkarinig naman ni Cala noong sinabi ng bata ay agad naman nya akong binitawan.

"Good morning, Mommy!" Tuwang-tuwa sabi ni Aris at saka sumiksik ng yakap sa ina. Ganitong eksena ang hinding-hindi ko ipagpapalit sa kahit na ano pang kayamanan sa mundo.

Tumayo na ako at iniwan silang nagkukulitan doon. Kailangan kong ipaghanda ng breakfast ang mag-ina ko. Pasipol-sipol akong nagtungo sa kusina. Sembreak ngayon nina Aris kaya napagdesisyunan naming dito muna silang mag-ina sa bahay habang wala pang pasok ang bata.

Habang nagluluto ay naramdaman kong may yumakap sa bewang ko mula sa likod. Hindi ko na kailangang lumingon para alamin kung sino yun dahil kilalang kilala ko na ang presensya at amoy nya at master na master ko na rin yung pakiramdam ng katawan nya pag nadidikit sakin.

"Tumatawag si Charles" maikling sabi nya at itinapat ang cellphone sa tenga ko. Nanatiling nakayakap sya sakin habang hawak ang aparato.

"Rosales, okay na yung mga papers. Pwede ng simulan ang construction nung bagong building mo" sabi ni Charles sa kabilang linya.

"Thanks, man"

"Dun ka sa father-in-law mo magpasalamat" natatawang sabi nya kaya napakunot ang noo ko.

When The Stars AlignWhere stories live. Discover now