Chapter 28

54 9 0
                                    

Stellar Calaia Anne's

"Kamusta?" Nakangiting tanong nya sakin habang dahan-dahang lumalapit. Ang mga kamay nya'y nasa magkabilang bulsa ng suot nyang puting pantalon. Nakaputing polo din sya at puting belt. Ang gwapo gwapo nya at ang aliwalas ng mukha nya.

"Paul Aries?" Halos pabulong na bigkas ko ng pangalan nya. Titig na titig lang ako sa kanya dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala.

"Yes, Ma'am. At your service" pabirong sumaludo pa sya at kumindat kaya natawa na rin ako.

"Ibig bang sabihin nito, nananaginip ulit ako?" Natawa sya at ginulo ang buhok ko.

"May iba pa bang paraan para magkasama tayo?"

"Bakit hindi mo sakin sinabi noon? Bakit hindi mo ipinaliwanag sakin ang kalagayan ko?"

"At para ano? Para hindi kana lumaban pag nalaman mo?" Napayuko ako sa sinabi nya. Baka nga kung ganun ang nangyari ay hindi ko na gustuhin pang bumalik ulit. Baka kung nalaman kong nasa bingit na ako ng kamatayan noon at sumuko na lang din ako para takasan ang sakit na nararamdaman ko.

"Pero bakit ikaw, hindi ka lumaban?" Naiiyak na tanong ko sa kanya. Parang ring may nakabarang kung ano sa lalamunan ko. Ngumiti sya pero hindi abot sa mga mata nya.

"Oras ka na yun, Stellar. Binigyan lang ako ng Panginoon ng sapat na panahon para itama ang lahat ng pagkakamali ko bago Niya ako tuluyang kunin"

"Pero bakit ang unfair? Kung kailan nakahanap ako ng bagong kakampi, saka naman hindi ko sya pwedeng makasama" sinapo nya ang mukha ko at pinahid ang mga luha ko.

"Wag ka nang malungkot. Kung may isang bagay na ipagpasalamat ako sa mga nangyari, yun ay ang nabigyan ako ng pagkakataong makasama ka"

"Lagi naman akong nasa tabi mo at magbabantay sayo, Stellar. Pag namimiss mo ako, tumingin ka lang sa kalangitan at isipin mong ako yung pinakamaningning na bituin. Ito na yung tamang panahon na maging isa ako sa kanila"

"Madaya ka, iniwan mo na din ako" Parang batang sabi ko. Natawa sya at niyakap ako ng mahigpit.

"Hindi kita iniwan. Mananatili naman ako sa puso mo, diba?" Tumango tango ako. Naramdaman kong hinalikan nya ang tuktok ng ulo ko.

"Literal na guardian angel pala kita" natatawang sabi ko at bumitaw sa kanya. Ngumiti sya at muling pinunasan ang luha ko.

"Tara?" Nakangiting yaya nya at inilahad ang kamay sa harapan ko.

"Saan tayo pupunta?" Takang tanong ko.

"Basta. Hawakan mo lang yung kamay ko at pumikit ka"

"Hoy! Di pa ako ready na sumama sayo ha. May anak pa akong aalagaan" tumawa sya nang tumawa at pinitik ang noo ko.

"Good to know na may bago ka ng rason para mas mahalin yung sarili at buhay mo. Pero wag kang OA, hindi ko hahayaang maiwan mag-isa si Aris. May ipapakita lang ako sayo" inirapan ko sya at iniabot na nga ang kamay ko. Sinunod ko sya at pumikit nya. Ilang sandali pa'y narinig ko muli ang tinig nya.

"Open your eyes, Stellar" Bulong nya sa kaliwang tenga ko. Dahan-dahang iminulat ko ang mga mata ko.

Inilibot ko ang paningin ko at nakitang nasa parang malawak na hardin kami. Maraming bulaklak sa paligid at malakas ang simoy ng hangin. May natatanaw din akong batis at maraming mga ibong nagliliparan sa papawirin.

When The Stars AlignWhere stories live. Discover now