Chapter 6

36 7 1
                                    

Stellar Calaia Anne's

"Eunice, samahan mo naman ako sa library please!" Ngumuso pa ako sa harap ni Eunice at pinagdikit ang mga palad ko.

"Nag-aaral nga ako, Cala. Mag-aral kana din dahil ang terror ni Mam Filomena"

"Saglit lang tayo. Ibibigay ko lang ito kay Nico!" Winagayway ko sa mukha nya ang keychain na hawak ko. Heart yun at may pangalan namin sa magkabilang side. Bumuntong hininga naman si Eunice kaya napangiti na ako.

"Di na makakapaghintay yan kahit hanggang uwian?"

"Dali na bestfriend! Libre kita sa canteen" ngumisi naman sya at nauna pang tumayo sakin. Basta libre talaga.

"San mo ba nakuha yang keychain na yan?"

"Ha? Nakita ko kasi ito sa mall nung gumala kami nina Mommy nung Sunday. Nacutan ako kaya binili ko tapos pinalagyan ko ng name namin"

"Di nagtaka ang parents mo?" Taas kilay nyang tanong..

"Di naman nila alam e. Humiwalay ako sa kanila saglit" napailing nalang si Eunice sakin.

"Wala ka bang balak umamin kina Tita? Diba nga ayaw ni Tita ng secret?"

"Baka after graduation, ipakilala ko si Nico sa kanila" nakatungong sabi ko.

"Graduation ng high school?" Tumango naman ako at hindi na rin sya nagsalita.

Nakarating kami sa library at nginitian namin si Ms. Valencia. Kilala na nya kami ni Eunice dahil tambay kami dito nung 1st year palang kami.

Hinanap naman ng mata ko si Nico at napakunot naman ang noo ko nung nakita ko syang katawanan si Tyra. Kailan pa sila naging close?

Lumapit ako sa kanila at tinapik ko yung balikat nya. Nung nakita naman nya ako ay automatic na ngumiti sya at pinalibot ang braso nya sa bewang ko. Napaubo naman si Tyra.

"May sakit ka Tyra? May Biogesic ako rito. Gusto mo?" Sarkastikong sabi ni Eunice at nakangisi pa. Pasimpleng inapakan ko naman ang paa nya.

"May problema ba, Hon? Anong ginagawa nyo dito?" Umiling naman ako sa kanya kaya napakunot ang noo nya.

"Kumain kana ba? Sabi mo kasi may baon ka kaya hindi kita nadalhan ng food sa room nyo" gawain nya rin kasing hatiran ako ng pagkain tuwing lunch dahil masyadong siksikan sa kantin at laging overtime yung teacher namin before lunch.

"Opo. Don't worry. Pumunta lang ako dito dahil nakalimutan kong iabot to sayo kaninang umaga" pinakita ko sa kanya yung keychain at mas lumawak naman ang ngiti nya. Lalo tuloy syang gumwapo. Lumingon lingon sya sa piligid at napasinghap ako nung halikan nya ako sa noo.

"Thank you, Hon" nakangiting sabi nya.

"Maliit na bagay lang naman yan"

"Basta galing sayo, importante to" galing talaga lagi ng mga salitaan ng lalaking to. Di ko maiwasang mapangiti.

"Ah, Nico yung pinapaexplain ko sayo sa Math" singit ni Tyra kaya nabaling ang atensyon namin sa kanya. Umismid naman si Eunice kaya pasimpleng kinurot ko sya.

"Yung topic ba ni Mam Filomena? Kailangan mo lang ng protractor dun, bakit hindi ka marunong gumamit nun?" Nakahalukipkip pa si Eunice habang nakataas ang kilay kaya inakbayan ko na sya. Umiba na rin kasi ang hitsura ni Tyra.

"Wag ka ngang makisali! Di naman ikaw ang kausap ko" mataray na sabi ni Tyra.

"Ako na ang magtuturo sayo. Di naman ako busy e. Si Nico, may ginagawa sya wag mo bang abalahin" nakangiting sabi ni Eunice at inagaw ang notebook ni Tyra. Nasapo ko nalang ang noo ko. Padabog na tumayo si Tyra at umirap pa samin bago umalis.

When The Stars AlignWhere stories live. Discover now