Chapter 23

63 7 0
                                    

Stellar Calaia Anne's

"Miss Cala, uuwi na po kami" paalam sakin ni Madonna. Tiningnan ko ang wristwatch ko at napabuntong hininga nalang. 6 pm na naman pala.

"Ingat kayo" ngumiti lang sya at sinara na ang pinto ng studio ko. Sumandal ako sa swivel chair at ipinikit ang mata ko. Wala naman akong masyadong ginawa kundi ang magdrawing pero napagod ako.

Napa-angat ang tingin ko sa pinto nung bumukas yun. Nakangiting mukha ni Nico ang bumungad sakin. Tatlong linggo na simula nung maging maayos kami at so far, nararamdaman ko namang bumalik na yung Nico noon. Yung Nico ko.

"Kamusta ang araw mo, Hon?" Nakangiting bati nya at humalik sa noo ko. Laging ganitong oras ko sya pinapapunta dahil hindi pa ako ready na sabihin kina Eunice na okay na kami. Sabi naman nya okay na rin daw yun para walang masyadong makakita samin.

Daig pa namin ang mga high school students na bawal makita ng magulang na nakikipagrelasyon. Kung kailan kami nagkaedad, saka pa hindi namin pwedeng ipagkalandakan ang relasyong meron kami.

"Nakakapagod, Hon" nakangusong sabi ko. Hinila nya ako patayo at sya naman ang umupo sa swivel chair ko pagkatapos ay hinila nya ako paupo sa kandungan nya. Agad ko namang isiniksik ang mukha ko sa leeg nya. Nakaramdam lalo ako ng antok nung nagsimula nyang humimig at haplusin ang buhok ko.

"Ano bang ginawa mo maghapon?" Pagkuwa'y tanong nya.

"Nagdrawing" naramdaman ko namang napatawa sya kaya inangat ko ang mukha ko at sinamaan sya ng tingin.

"Mahirap kayang magdrawing baka akala mo. Tapos yung iba, kung nakatawad pa sa presyo ng mga artworks ko" nakangusong sabi ko kaya hindi na ako nagulat nung naramdaman ko ang mga labi nya sa labi ko. Bahagyang kinagat pa nya ang lower lip ko na parang nanggigigil.

"Cute mo!" Nakangising sabi nya habang pisil pisil ang ilong ko kaya hinampas ko ang balikat nya.

"Tara na, umuwi kana para makapagpahinga kana" akmang tatayo sya kaya pinulupot ko ang braso ko sa leeg nya at muling sinubsob ang mukha ko dun.

"Ayaw pa. Gusto pa kitang kasama" sabi ko habang hinahalik halikan ang leeg nya. Nararamdaman ko ang pagbigat ng kanyang hininga kaya pinagpatuloy ko ang ginagawa ko.

Dumapo namang kamay ko sa dibdib nya at humaplos haplos dun. Dahan-dahang bumababa ang mga kamay ko at nung narating ko ang pakay ko ay pinigilan nya ang kamay ko. Nag-angat ako ng tingin at sinalubong ang mata nya.

"Cala, No" parang nahihirapang sabi nya. Kumunot ang noo ko dahil dun. Simula nung may nangyari sa Tagaytay ay kailanman hindi na muli nya ako hinawakan sa ganung paraan. Parang mas ingat na ingat sya sakin ngayon na ipinagtataka ko.

"Why? Ayaw mo na sakin?" Napayuko nalang ako. Siguro nga dahil nakuha na nya yung gusto nya kaya ayaw na nya ako.

Inangat nya ang mukha ko at hinalikan ako sa noo. Hinaplos haplos nya ang pisngi ko at tinitigan ako sa mga mata ko.

"Wala akong ibang gusto kundi ikaw lang"

"Bakit ayaw mo?"

"Hindi sa ayaw ko. Hindi mo lang alam kung gaano ako magpigil na hawakan at halikan ka pag nakikita kita"

"E bakit nga?!" Nag-uumpisa na akong mainis. Ayaw pa akong diretsuhin.

Natawa sya sa inasta ko kaya sinamaan ko sya ng tingin. Muli nya akong hinalikan sa labi at saka hinila para yakapin.

"Mahal na mahal kita, Cala" wala na. Natunaw na ang dipensa ko. Niyakap ko rin sya pabalik.

Sang-ayon ako kay Eunice, marupok nga ako.


When The Stars AlignDonde viven las historias. Descúbrelo ahora