Chapter 9

43 7 1
                                    

Stellar Calaia Anne's

"Bakit hindi na naman maipinta ang mukha mo?" Sita sakin ni Eunice habang nagpapahinga kami. Katatapos lang kasi ng practice namin para sa street dance. Malapit na kasi ang foundation day ng school at ang mga freshies na kagaya namin ang napiling magparticipate. Tumutulong nalang yung mga seniors namin sa paggawa ng mga props at costumes at pati narin sa float.

"Hindi kasi nagrereply si Nico. Sinabi kong gagabihin ulit tayo"

"Malay mo busy lang sa karinderya nila"

"Nasa school sya. ROTC nila ngayon and ang alam ko hanggang 12 lang sila. Dapat tapos na sila ngayon" 2 pm na rin kasi at hanggang ngayon ay iisang beses palang syang nagtetext. Kanina lang umaga para mag good morning.

Nagkibit balikat lang si Eunice at uminom ng tubig. Nakakapagod din pala ang sumayaw. Di naman ako sumasali sa mga ganito nung high school palang ako. Competitive ang mga kaklase ko dahil magkakalaban lahat ng courses sa school namin. Tapos sabi pa nung mga seniors namin, three consecutive years daw nagchampion ang BSBA kaya ang laking pressure nun samin.

"Formation na ulit, guys!" Sigaw ng choreographer namin kaya binalik ko na yung cellphone ko sa bag. Sunday ngayon pero nandito kami sa school para magpractice. Nakakatamad.

"Cala, Eunice sama muna kayo samin. Kain muna tayo" yaya samin ni Glecy, isa sa mga kaklase namin pagkatapos ng practice. Nagkatinginan naman kami ni Eunice at tumango.

Minsan lang talaga kaming makisali sa kanila dahil kami lang naman talaga ni Eunice ang komportable sa isa't-isa. Hindi naman siguro masamang makisama rin sa kanila. Matatapos na rin naman ang second sem at magkakahiwa-hiwalay nalang kami pag pumili na kami ng major sa second year.

"So, Cala kwento ka naman. May jowa ka na ba?" Nakangiting tanong sakin ni Glecy. Nandito kami ngayon sa food court ng isang mall at dito namin naisipang kumain. Pito kaming magkakasama at ramdam kong mababait naman sila.

"Ah, yeah" nahihiyang sabi ko at tipid na ngumiti dahil hindi pa ako masyadong komportable sa kanila.

"Woah! Kaya pala bigo si Fafa Vince" tatawa-tawang sabi ni Hannah.

"Anong meron kay Vince?" Kunot noong tanong ko kaya natawa si Eunice.

"Pasensya na guys, manhid itong best friend ko e" sabi nya at inakbayan pa ko kaya binatukan ko sya.

"Wala yun Cala" bawi pa ni Hannah.

"Ilang taon na kayo ng boyfriend mo? Di pa namin sya nakikita" sabi naman ni Claire.

"Ahm, sa ibang school kasi sya pumapasok at magdadalawang taon na kami sa isang araw" tumango tango naman sila sa sinabi ko.

"Tagal na rin. Ilan ang break up dun?" Tanong naman ni Ericka.

"Ah wala pa since nagstart kami" proud kong sabi at tuluyan na ngang napangiti.

"Sana all. Sa dalawang taon kasi namin ng jowa ko, apat na beses na ata kaming nagbreak e" iiling-iling na sabi pa ni Michelle.

"Pwede ba yun?" Takang tanong ko.

"Oo lalo na pag marupok ka. Jusko day! Sawang-sawa na kaming magpangaral dyan" wari mo'y banas na banas na sabi ni Claire. Umirap lang naman si Michelle.

"Pag mahal mo, bigyan mo ng unlimited chances" nag-appear pa sina Michelle at Ericka kaya napailing nalang yung iba.

"Oo tapos samin kayo ngangawa? Nakakasawa ring mag-advice sa tanga" ani Claire.

"Kaya nga tayo tinawag na magkakaibigan e, para damayan ang isa't-isa" katwiran pa ni Michelle.

"Bes, dumadamay kami sayo kaya nga kahit sawang-sawa na kami dahil paulit-ulit kana lang, go lang. Dun ka masaya e" naiiling na sabi ni Glecy.

When The Stars AlignTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon