Chapter 10

38 6 0
                                    

Stellar Calaia Anne's

"N-nico" daig ko nung naramdaman kong bahagyang umangat ang kamay nya at malapit na yun sa dibdib ko habang humahalik sya sa leeg patungong collarbone ko.

"Ssshhh" parang lalabas ang puso ko sa kaba pero hindi ko na nagawang magprotesta nung muli nyang sakupin ang labi ko. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko dahil tinutugon ko ng buong puso ang mga halik at haplos nya.

Mariing napapikit ako nung tuluyan kong naramdaman ang palad nya sa dibdib ko at bahagyang minasahe iyon. Ramdam ko pa rin ang init ng palad nya sa kabila ng kasuotan ko.

"N-nico ... No" mahinang sabi ko nung muling bumaba ang halik nya sa leeg ko. Naninibago ako sa kanya dahil ngayon lang sya naging agresibo. Hindi ako tanga para hindi maintindihan kung saan pupunta ang tagpong ito. Handa na ba akong ibigay sa kanya ang lahat?

Nanlaki ang mga mata ko nung naramdaman kong dahan-dahang nyang kinakalas ang butones ng blouse ko mula sa pinakababa at pataas nang pataas.

"N-nico" naramdaman ko ang isang kamay nya sa likod ng ulo ko at muli nya akong hinalikan sa labi kaya nawala na naman ako sa sarili. He pulled my brassiere down when he's finally done with all the buttons of my blouse.

I tried to cover myself because this is the first time that someone saw and held my breast aside from me and my mom. He made me lay on the sofa and continue kissing my neck and caressing my bared breast. All I can do is to shut my eyes tightly and savor the moment. This feeling is new to me and I can't deny the fact that I am actually enjoying it.

Dahan-dahang minulat ko ang mga mata ko nung naramdaman kong huminto sya. Parang natauhan at napapasong lumayo sya sakin.

"Shit!" Tumayo sya at tumalikod sakin. Sinabunutan pa nya ang buhok nya at tuloy-tuloy ang pagmumura nya na parang sinisisi ang sarili.

"What's wrong?" Kunot noong tanong ko at umupo. Huminga sya ng malalim at humarap sakin. I saw guiltiness in his eyes.

"Sorry, Cala. Sorry, Hon" Dali-daling tumabi sya sakin at binutones ang blouse ko. Matapos nun ay sinapo nya ang mukha ko at hinalikan ako sa noo.

"I'm sorry, Cala" naiiyak nyang sabi at saka ako niyakap.

"Hey, its okay" sinapo ko ang mukha nya at pinunasan ko ang luha nya.

"No, patawarin mo ako Cala. Sorry nawala ako sa kontrol. Nahihiya ako sa ginawa ko" nginitian ko sya at hinalikan ko ang tungki ng ilong nya.

"I'm okay. Don't worry, di ako galit"

"Are you sure? Wag mo sanang isipin na hindi kita nirerespeto" para syang batang nakabasag ng mamahaling vase at papagalitan ng nanay nya kaya tuluyan akong natawa. Bakit ang cute ng lalaking to?

"Hindi naman. S-sure ka bang ayaw mong ituloy?" Nahihiyang tanong ko at nag-iwas ng tingin. Gusto ko lang naman magampanan yung tungkulin ko bilang girlfriend nya.

"Sira ka talaga" pinangigilan nya yung pisngi ko kaya sinamaan ko sya ng tingin. Seryoso kaya ako. Mabilis nya namang hinalikan yung nanunulis kong nguso.

"Cute mo, hon!" Pang-aasar pa nya kaya lalo akong nainis. Kinurot ko sya sa tagiliran kaya napaigik sya.

"Seryoso ako, Nicholas! Gusto kong gawin yung tungkulin ko bilang girlfriend saka handa na naman akong ibigay sayo ang lahat e"

"Hon, nagawa mo na yung tungkulin mo. Yun yung mahalin at intindihin ako" pinangigilan pa nya ang ilong ko. Magkakapasa ako sa lalaking to e. Laging pinisil nalang ang pisngi at ilong ko.

"Ee! Natatakot akong hanapin mo yun sa iba!" Ganun naman diba?

"Hon, handa akong maghintay at saka nangako ako sa parents mo at wala akong balak na sirain yun"

"Baka hindi ka lang talaga interesado sakin saka baka bata pa talaga ang tingin mo sakin" nakita ko namang natawa sya kaya sinabunutan ko sya. Bakit ba ayaw nya akong seryosohin?

"Hon, bitaw!" Tatawa-tawang sabi nya at pilit tinatanggal ang pagkakasabunot ng kamay ko sa buhok nya.

"Ganun yun, no?" Pinanlakihan ko pa sya ng mata. Muli naman nya akong hinalikan ng madiin kaya nawala na naman ako sa wisyo.

"Di mo alam kung gaano kahirap magpigil na halikan at hawakan ka pag kasama kita" Bulong nya sa tenga ko pagkatapos ng halik kaya pakiramdam ko'y tumayo ang mga balahibo ko at nag-init ang pisngi ko.

"Bat ka ba kasi nagpipigil?" Nakayukong tanong ko.

"Kasi nga po, malaki ang respeto ko sayo at hindi naman tungkulin yun ng girlfriend, bonus nalang siguro yun. Asawa siguro oo, pero bata pa tayo, Hon. Di pa tayo ready sa ganung kalaking responsibilidad" inangat nya ang mukha ko at tinitigan ako sa mata.

"Marami pa tayong madidiscover sa isa't isa at siguro naman after nating makagraduate at magkatrabaho, pwede na tayong magpakasal" nangilid ang luha ko sa sinabi nya.

"Papakasalan mo ko?"

"Unang kita ko palang sayo, naimagine ko na agad na naka-wedding gown ka" kumindat pa sya kaya nilukutan ko sya ng ilong.

"Sinigawan mo nga ako noon e!"

"Di naman yun ang unang kita ko sayo"

"Ha?"

"Nakita na kita bago pa tayo maging magkaklase"

"Saan?"

"Sa panaginip ko" nakangising sabi nya kaya sinabunutan ko ulit sya. Tumawa naman sya nang tumawa kaya pinaghahampas ko na rin sya.

"Joke lang!" Tatawa-tawang sabi nya at tumayo. Iniwan nya ako sa sala at nakita kong pumasok sya sa isang kwarto. Kumunot naman ang noo ko pero hindi ko sya sinundan.

Ilang saglit pa'y bumalik sya at may dala na syang photo album. Tumabi ulit sya sakin at umakbay. Kunot noong binuksan ko naman yung album na inabot nya at napangiti ako nung mga pictures namin ang naroon. Pina-print pala nya yung mga pictures namin nung high school at kinompile sa isang album.

Sa huling pahina at mayroong picture ko na siguro ay nasa 10 years old palang ako. Nakasuot ako ng pink na gown at may flower crown pa. Natatandaan ko itong larawang to. Ito yung umabay ako sa kasal ng pinsan ni Mommy.

"Bakit meron ka nito?" Kunot noong tanong ko sa kanya. Wala akong natatandaang may ganito rin sina Mommy dahil may official photographer sina Tita noon.

"Si Papa ang official photographer sa kasal ng kamag-anak nyo ata. Kasama nya ako noong araw na yan at nung nakita ko yan, hiningi ko sa papa. Napailing na nga lang sakin si Papa dahil kulang daw tuloy yung ilalagay nya sa album kaya nagprint sya ng panibago" tatawa-tawang sabi nya at napapakamot pa sa ulo nya.

"Nung nakita kita sa school, sabi ko parang pamilyar ka. Isip ako nang isip kung saan kita nakita tapos nung nagkalkal ako ng damitan ko, nakita ko yang picture na yan. Kaya hindi kita makausap noon e" hindi ko inexpect yun mula sa kanya.

"Bakit di mo sinabi?"

"Nahihiya ako" it's now my turn to laugh. He just glared at me and rolled his eyes.

"Tawa pa" hinawakan ko ang mukha nya at pilit na hinarap sakin. Pagharap nya ay ako na mismo ang humalik sa kanya. Halik na gaya ng ginawa nya sakin kanina. Yung nakakawala sa wisyo at katinuan.

"Cala! Tulungan mo naman akong magcontrol" nakapikit na sabi nya pagkatapos ng halik kaya muli akong natawa.

"I love you" sabi ko nalang.

"Mas mahal kita" niyakap ko sya nang mahigpit. Sana. Sana si Nico na talaga ang ibinigay sakin ni Lord dahil hindi ko alam ang gagawin ko pag nawala pa sya sakin.

When The Stars AlignWhere stories live. Discover now