Chapter 37

60 9 0
                                    

Stellar Calaia Anne's

Nagising nalang ako sa mga hagikhikan ng mag-ama. Nakahiga si Nico sa tabi ko habang si Aris ay nakasakay sa mga braso at binti nyang nakataas sa ere. Tuwang-tuwa ang bata habang tinataas baba sya ng ama.

"Higher, Daddy!" Hirit pa ni Aris.

"Nicholas! Mahulog yan" saway ko naman sa kanya kaya ibinaba nya ang bata sa dibdib nya.

"Next time na ulit, anak. Baka kagatin na ako ni Mommy" Bulong nya kay Aris na pakinig ko naman. Humagikhik na naman ang bata kaya sinabunutan ko si Nico.

"Good morning, Mommy" bati sakin ni Aris kaya napangiti ako. Bumaba sya sa dibdib ng ama at sakin naman sumiksik.

"I love you, Mommy!" Pinupog nya pa ng halik ang mukha ko kaya napangiti na rin ako.

"I love you, too" hinuli ko ang ilong nya at pinangigilan iyon. Napansin ko namang nakatingin lang samin si Nico kaya inirapan ko sya. Natawa naman sya at napailing.

"Mommy sabi ni Daddy pupunta tayo sa church" napakunot ang noo ko at tumingin kay Nico.

"Kailan ka pa nagsimba?"

"Simula nung nabalitaan kong nagising ka na, nagtutunan kong magsimba at magpasalamat sa Kanya. Tapos nung nakalabas ako, nagpabinyag na rin ako" wala na akong nagawa kundi ang mapangiti nalang.


Sa bawat pagdaan ng mga araw, lalo kong nakikilala si Nico. Maraming bagay ang nadiskumbre ko sa kanya na hindi ko alam noon. Ganun din naman sya sakin. Noon ay iniisip ko munang mabuti ang gagawin para hindi sya maturn-off pero ngayon ay madali ko nang naipapakita sa kanya ang mga gusto at ayaw ko. Hindi na rin ako nagtatago ng emosyon pero parang wala lang naman sa kanya yun at natutuwa pa sya.

Isa lang talaga ang iniiwasan ko pag kaharap ko sya, ang pagmumura. Dahil bantay na bantay talaga ng lintik na to para makasimple sya ng halik. Ewan ko kung saan nya natutunan yun kaya inis na inis ako.

Siguro nga masyado kaming magmadali noon at hindi lubos na kinilala ang isa't isa. Ang bilis din kasi ng pangyayari samin noon, magkaaway lang kami and nalaman ko nalang na mahal na namin ang isa't-isa. Dala rin siguro ng kabataan at murang isipan kaya nagpadalos dalos kami sa mga desisyon noon.

Wala akong pinagsisisihan sa mga nangyari dati. Isa sa mga magagandang bunga nun ang anak naming dalawa. Muntik na namin syang hindi makasama pero mabait pa rin ang Diyos at pinagkalooban Niya kami ng himala.

So far, masasabi kong mas okay kami ngayon ni Nico. Walang pressure, hindi nagmamadali at sinusulit lang ang bawat oras kasama si Aris.

Ito ang bagong simula namin. Malayo sa sakit at gulo ng nakaraan. Wala ng mga lihim at desisyong pansarili. Mas naging bukas din kami sa isa't isa na syang kulang sa amin noon.


"Cala, kinakabahan ako" nakangusong sabi ni Nico habang narito kami sa classroom ni Aris. Ngayon kasi ang itinakdang araw kung saan kakanta silang mag-ama. Binibihisan ko si Aris samantalang siya ay kanina pa nakamasid samin. Nakaupo sya sa monoblock chair na nakalaan para sa amin.

"Bakit?"

"Ang una't huli na kumanta ako sa harap ng maraming tao nung high school pa tayo"

Noong natapos kong bihisan si Aris ay lumapit ako sa kanya at sinuklayan sya. Nakatingala lang sya sakin habang nakanguso kaya pinitik ko yung nguso nya. Parang tuta kase. Ang cute!

"Daig ka pa ni Aris. Hindi kinakabahan" natatawang sabi ko. Naramdaman ko namang pinulupot nya yung braso nya sa bewang ko at sinandal ang mukha sa tiyan ko.

When The Stars AlignWhere stories live. Discover now