Chapter 27

50 8 0
                                    

Stellar Calaia Anne's

"WELCOME HOME, CALA AND BABY ARIS!"

Bungad samin ng mga taong malalapit sakin pagpasok palang namin ng bahay. Narito ang mga kaibigan ko, mga kasama ko sa shop at yung mga artists na nakasama ko sa exhibit.

Maraming bulaklak sa paligid at mga pagkain. May pa banner din sila at party poopers kaya naman nagulat si Baby Aris na hawak ko dahilan para umiyak sya. Kinuha naman sya agad ni Mommy mula sa bisig ko at isinayaw sayaw. Madali namang tumigil sa pag-iyak ang anak ko.

Lumapit sakin ang mga kaibigan ko at isa-isang yumakap. Inabutan pa ako ni Madonna ng isang bouquet na bulaklak..

"Namiss ka namin, Miss Cala" nakangiting sabi nya at yumakap.

"Salamat Madonna sa pangangalaga sa shop ko ha" hindi din kasi iyon naasikaso nina Daddy dahil busy sila sa pag-aalaga sakin. Paminsan-minsan naman daw ay dumadalaw doon sina Michelle dahil ang best friend kong si Eunice ay missing in action daw nung mga panahong nasa ospital ako.

"Hindi rin naman po ako pinabayaan ng mga kaibigan nyo, Miss. Saka mababait at masisipag naman po ang mga kasama natin doon" natuwa ako sa sinabi nya. At least, hindi ako nagkamali sa pagkuha ng mga taong mapagkakatiwalaan.

"Kainan na!" Sigaw ni Glecy kaya sabay-sabay kaming nagpunta sa dining area. Marami silang hinandang mga pagkain. Namiss ko yung ganito.

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin talaga akalaing nasa bingit ako ng kamatayan sa loob ng kulang-kulang walong buwan. Mabait parin talaga ang Diyos dahil hindi nya ako pinabayaang mag-isa. Nagpadala sya ng isang anghel para samahan at payapain ang loob ko.

Pinapangako ko sa sarili ko, hahanapin ko kung nasaan si Paul Aries. Kahit man lang kung saan sya nakalibing. Gusto ko syang pasalamatan. At sana, dalawin muli nya ako sa panaginip.

Iniwan ko ang mga taong nagkakasayahan at lumabas ako sa garden namin. Nagulat pa ako at napayakap sa sarili nung humampas ang malakas na simoy ng hangin pag bukas ko ng sliding door.

Nilibot ko ang paningin ko at agad na naningkit ang mga mata nung makita ko ang kubong nasa panaginip ko. Ganitong ganito yung ginagawa ni Paul Aries. Doon ay hindi pa ito gawa pero ngayon ay buo na. Simple lang iyon  na napapalibutan ng magagandang bulaklak na nababagay sa aming hardin. Yari ito sa magandang uri ng kahoy na kinulayan ng puting pintura. Lumapit ako doon at dahan-dahang humakbang papasok. Umupo ako at hinaplos haplos iyon. Nabaling ang tingin ko sa table na nasa gitna at napangiti nung makitang may ibang disenyo doon. Pininturahan ito na parang mga bituin sa kalangitan. May mga nakalawit ding mga tala na animo'y shooting star mula sa bubong. Hindi ko na namalayang tumutulo na pala ang luha ko.

Paano nangyari ito? Paano napunta ito dito?

"Baby?" Nagpahid ako ng luha nung narinig ko ang boses ni Daddy. Humarap ako sa kanya at ngumiti.

"Bakit po?"

"Kanina pa kita hinahanap. Iyak nang iyak kasi si Aris" ngumiti ako sa kanya at tumayo na.

"Sige po. Papasok na po ako"

"Nagustuhan mo ba ito?" Pagkuwa'y tanong nya kaya napatingin ako sa kanya.

"Saan po pala ito galing Daddy?" Abot-abot ang kaba sa puso ko. Masama bang umasa?

"May nagdeliver lang kahapon. Nagulat nga ako ang sabi para sayo daw e" binundol ng kaba ang dibdib ko.

"Sino daw po?" Nagkibit balikat lang si Daddy..

"Hindi sinabi pero iniwan naman yung address" nagkaroon ako ng pag-asa. Posible ba?

When The Stars AlignTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon