Chapter 18

43 8 0
                                    

Stellar Calaia Anne's

"Cala, hatid na kita" nakangiting alok sakin ni Vince. Napakamot naman ako sa ulo ko. Nandito kami ngayon sa tapat ng school namin at naghihintay na ng jeep na masasakyan pauwi. 

"Kaya ko namang umuwi mag-isa" tipid ko syang nginitian.

"Sige na, Cala. Kahit sa may gate lang ng subdivision nyo" tumingin ako sa mga kaibigan ko para manghingi ng tulong sa kanila pero nginisihan lang nila ako.

"Sige na Cala, pumayag kana. Mabait naman yang si Vince saka wala namang masama diba? Pareho naman kayong single" parang kinurot ang puso ko nung sinabi yun ni Hannah. Masakit pa rin palang 'single' na ako ngayon.

Huminga ako ng malalim at ngumiti kay Vince.

"Sige" lumawak naman ang ngiti nya at may pagsuntok pa sa hangin kaya napailing nalang ako.

Nung may pumarang jeep sa harapan namin ay inalalayan nya akong sumakay. Kumunot ang noo ko nung hindi sumunod ang mga kaibigan ko. Naiwan sila dun at kumaway kaway pa habang umaandar palayo ang jeep sinasakyan namin. Mga bugaw.

"Bayad po, dalawang estudyante" narinig kong sabi ni Vince kaya napalingon ako sa kanya.

"Vince ito na yung bayad ko" nahihiyang sabi ko sa kanya at nag-abot ng 20 pesos pero hindi nya yun tinanggap.

"Okay na yun, Cala" nakagat ko nalang ang ibabang labi ko at napakamot ulit sa ulo ko. Aware naman ako na gusto ako ni Vince pero hindi pa talaga ako ready na sumubok ulit. Siguro dahil may part pa rin saking naghihintay kay Nico.

Pagbaba namin sa may tapat ng subdivision namin ay sumama pa rin sakin si Vince papasok. Huminga ako ng malalim at tumingin sa kanya.

"Vince, aware ka naman siguro na kagagaling ko lang sa break up, diba?" Diretsong sabi ko.

"Yeah" parang balewalang sabi nya at nagkibit balikat.

"So, anong ginagawa mo? Tatapatin na kita, hindi pa ako ready na pumasok ulit sa isang relationship"diretsong sabi ko pero tumawa lang sya.

"Handa naman akong maghintay e. Hinihintay na kaya kita simula pa nung 1st year college tayo"

"Seriously?"

"Yeah. Kaya bigyan mo sana ako ng chance"

"Pero ayokong maging unfair sayo. Ayokong maging rebound ka kaya sasabihin ko na ngayon palang na wala kang aasahan sakin" mahinang sabi ko.

"Ouch! Akala ko pa naman magkakaroon na ako ng pag-asa. Harap-harapang pambabasted naman yan, Cala" humawak pa sya sa dibdib nya na kala mo'y sobrang bigat ng pinagdadaanan nya. Sinamaan ko lang sya ng tingin pero ngumisi sya at inakbayan ako. Wala akong naramdaman dun. Parang inaakbayan lang ako ni Jarred o kaya ay ni Jayson ang pakiramdam. Kaibigan lang talaga.

"Joke lang! No pressure, Cala. Pero sana wag mong hilinging layuan kita" hindi na ako nagsalita at hinayaan na sya. Nung nakarating na kami sa tapat ng bahay namin ay saka lang sya nagpaalam at umalis. Bumuntong hininga nalang ako at tuluyan nang pumasok sa kabahayan.

Sinalubong ako ni Nanay Tina --yung kasambahay namin. Medyo nagiging sakitin na kasi si Mommy kaya napagpasyahan na ni Daddy na kumuha ng makakatulong nya.

"Kakain ka ba muna, nak?" Nakangiting alok nya.

"Ano pong ulam, Nay?"

"Pork steak" napakurap-kurap ako nung may nangilid na luha sa mga mata ko. May naalala na naman ako.

"Hindi na po, Nay. Papahinga na po ako sa kwarto" pilit ko syang nginitian at tumalikod na.

Pagkarating ko sa kwarto ay agad kong kinuha sa ilalim ng kama ko ang box na naglalaman ng lahat ng mga ala-ala namin ni Nico. Mula sa mga balat ng kendi, mga resibo ng kinainan at pinanood namin, yung singsing na unang bigay nya, yung kwintas nung graduation, mga tuyong petals ng bulaklak na bigay nya at mga pictures namin ay naroon.

When The Stars AlignWhere stories live. Discover now