Chapter 36

54 8 0
                                    

Stellar Calaia Anne's

Nakatitig lang ako sa mag-ama habang nagpapractice sila ng kakantahin nila. Namana pa ata ni Aris ang hilig ng ama nya sa musika. Pareho silang may hawak na gitara pero yung kay Aris ay laruan lang.

Narito kami sa playroom daw para kay Aris according to Nico. Maraming laruan ang narito at may isang set ng mga musical instruments. Mayroon ding sariling PC ang anak ko dito. Ang sahig ay may cover pa na mats para hindi daw masaktan ang bata pag nadapa. Masyado atang naexcite si Nicholas nung nakilala nya si Aris. Ang tumatakbong tanong nalang sa isipan ko ngayon ay kung bakit hindi sya nagpakita sakin noon?

Naisipan kong lumabas muna ng kwartong iyon at mag-ikot ikot sa bahay nya. Natutuwa ako sa narating nya ngayon. Noon pa man ay alam kong magtatagumpay sya sa buhay dahil isa si Nico sa mga taong kilala ko na malakas ang loob at may panindigan.

Bumaba ako sa first floor ng bahay. Parang walang ibang tao dito dahil masyadong tahimik. Totoo ba yung sinasabi nyang wala syang ibang pamilya? Pero ano si Danna noon? Alam kong nagsama sila at buntis ang babae. Bakit kasi natatakot akong magtanong?

Akala ko pa naman, matapang na ako. Pero bakit bumabalik ang takot ko ngayon?

Nakita ang mga pictures na nakadisplay din sa sala ng bahay nya. May picture doon kung saan suot nya ang toga nya at yakap sya ni Tita. Bakas sa mukha ng matanda ang labis na kasiyahan. Mayroon din silang family picture.

Napakunot ang noo ko nung napansin ang mga baby pictures ni Aris na nakacollage. Nasa isang malaking frame iyon at nakaassemble ng maganda. Bakit sya may mga picture na ganito?

"Cala?" Napalingon ako nung tawagin nya ako. Kunot na kunot ang noo nyang lumapit sakin.

"Akala ko kung saan ka na pumunta"

"Nasaan si Aris?"

"Nasa taas .. naglalaro pa rin. Nagugutom na daw kaya ikukuha ko muna ng meryenda" tumango tango naman ako.

"Bakit may mga pictures ka nya nung baby pa sya?" Tanong ko sa kanya habang nakaturo sa mga larawan. Ngumiti muna sya bago sumagot.

"Pag dumadalaw kasi sakin si Charles noon, may dala syang mga pictures ng bata at binibigay nya sakin hanggang sa naipon ko na. Sabi nya inaanak daw nya yun. Magaan ang loob ko sa bata without knowing na anak ko pala yun. Isa yan sa mga unang display ko dito sa bahay" iba talagang maglaro ang tadhana.

"Nakakausap mo si Charles?"

"Oo. Di ba nya nababanggit sayo?" Umiling lang ako. Sarap talagang sakalin ng lalaking yun!

"Si Charles ang tumayong ama ni Aris noon. Sya lang naman ang nakakasama nyang lalaki bukod kay Daddy" umiwas sya ng tingin at bumuntong hininga.

"Sorry. Sorry sa mga nasayang na panahon"

"Wag mo nang intindihin yun. At least bumabawi ka naman kay Aris ngayon"

"Sige na, umakyat ka na. Bantayan mo dun si Aris, ako na ang maghahanda ng meryenda" kuminang naman ang mata nya sa sinabi ko kaya pabirong pinitik ko ang noo nya.

"Wag kang feeling! Akyat na at baka umiyak yung bata!" Tumawa lang sya kaya naiiling na dumeretso na ako ng kusina.

Kumpleto ang gamit nya sa kusina kaya nakakatuwa. Gumawa lang ako ng sandwich at nagtimpla ng juice para sa mag-ama.

Pagtapat ko sa playroom ni Aris ay napangiti ako nung marinig ang boses nila. Bukas kasi ang pinto kaya malinaw sa pandinig ko. Hindi pa rin nagbabago ang timbre ng boses ni Nico. Napakasarap pa rin talagang pakinggan.

When The Stars AlignWhere stories live. Discover now