Chapter 3

42 7 2
                                    

Stellar Calaia Anne's

"Bakit ayaw mong sagutin yang phone mo? Kanina pa ring nang ring yan ah" Tanong sakin ni Daddy habang nasa hapag-kainan kami at nag didinner.

"Diba Dad bawal mag phone sa harap ng pagkain?" Palusot ko. Ayaw ko talagang sagutin dahil si Nico ang tumatawag. Nahihiya akong kausapin sya dahil sinasabi nyang boyfriend ko daw sya.

"Oo nga naman Dy, may point yung anak mo" natatawang sabi ni Mommy kaya napatawa na rin si Daddy. Pag nagkukulitan silang dalawa parang hindi sila tumanda. Hindi nawawala ang sweetness nila pati ningning nung mga mata nila pag nagtitinginan sila.

"Mom, Dad" napalunok ako nung sabay silang tumingin sakin.

"Yes baby?" Napangiwi nalang ako kay Daddy. Dad, lumalandi na po ata yung anak nyo kaya di na bagay ang baby

"Ahm, a-ano pong feeling na may boyfriend?" Nakatungong tanong ko habang pinaglalaruan ang pagkain ko sa plate.

"Aba, crush lang ang tinatanong ko sayo noon nasa boyfriend ka na" pagkuwa'y sabi ni Mommy kaya napapikit ako.

"May boyfriend kana, Stellar?" Lalo akong kinabahan nung binanggit na ni Daddy yung first name ko. Ibig sabihin seryoso na sya.

"W-wala po. Kaya nga po ako nagtatanong kung anong feeling e" sabi ko at nanlalaki pa ang mata na parang inosenteng bata. Nakagat ko nalang ang ibabang labi ko nung kumunot ang noo ni Daddy.

"Bakit mo tinatanong?" Ani Mommy.

"Curious lang po" mahinang sabi ko. Tumango tango naman sya at humawak sa kamay ni Daddy.

"Masaya. May makakaramay ka pag may problema ka, may partner ka sa mga bagay-bagay at higit sa lahat mayroon kang inspirasyon" nakangiting sabi nya habang nakatingin kay Daddy.

Ang ideal din kasi talaga ng love story nila. High school sweethearts sila and first nila ang isa't-isa.

"Diba po sabi pag nainlove, masasaktan din sa huli?" Yun yung mga napapanood ko sa mga teleserye e.

"Di naman nawawala yung mga pagsubok sa isang relasyon. Nasa inyo nalang yun ng partner mo kung paano nyo haharapin ito. Hindi perfect ang love story namin ng Daddy mo, may mga ibang taong nainvolved, may mga nasaktan at may nakasakit pero lumaban kami kaya nga merong isang ikaw dahil naging matatag kami" ramdam ko yung pagmamahal sa mga mata nila. Paano nga kung maging katulad din ng love story nila ang kwento namin ni Nico?

"Hindi po ba kayo natakot noon kasi bata pa kayo?" Natawa naman si Mommy. Si Daddy ay nanatiling seryoso lang.

"Natakot, syempre. Kilala mo naman kung gaano kastrikto ang Lolo mo diba? Dumating pa mga sa point na kunwari naghiwalay kami at tinago nalang namin yung relasyon namin hanggang sa makagraduate kami ng college. Dun sa pagtatagong yun, dumating yung maraming pagsubok. Akala ko nga hindi talaga kami para sa isa't isa e"

"Nung mga panahong may napatunayan na kami ng Daddy mo, saka lang pumayag ang Lolo mo na maikasal kami"

"Bakit mo ba naitatanong ang mga bagay na ito, Stellar?" Napalunok ulit ako nung tanungin ako ni Daddy.

"Ano ka ba naman Dominic, buti nga nag-oopen satin yung bata. Paano pag matutong maglihim yan? Mas malaking problema yun" saway naman ni Mommy kaya lihim na napangiti ako. Bumuntong hininga naman si Daddy tanda ng pagsuko.

"Baby, wag ka munang magboyfriend ha. Hindi pa ready si Daddy. Baby pa kita" hinaplos pa ni Daddy yung pisngi ko kaya napangiti ako.

"Ewan ko talaga sayo. Parang di ka dumaan sa pagiging teenager e. May pag-akyat ka pa nga sa bakod ng bahay namin noon" tatawa-tawang sabi ni Mommy kaya napasimangot si Daddy.

When The Stars AlignWhere stories live. Discover now