Chapter 34

63 8 1
                                    

Dale Nicholas'

Hindi ako makapagsalita. Nanlalamig ang buong katawan ko at nag-umpisang kumawala ang mga luha ko.

All this time, may anak pala ako at wala akong kaalam-alam dun. Ilang taon ang wala ako sa tabi nya at hindi ko man lang nasubaybayan ang paglaki nya.

Hindi lang kay Cala malaki ang kasalanan ko pati na rin sa anak ko. Anak ko. Ang sarap sa pakiramdam.

Noong nakahanap ako ng lakas ay dahan-dahang lumapit ako sa bata at binuhat sya. Iyak lang ako nang iyak ng tahimik para hindi sya magising. Yakap yakap ko sya ng mahigpit at panaka-nakang hinahalikan sya. Ngayon ako nagsisisi kung bakit naduwag at nahiya akong harapin si Cala noon. Kung sana paglabas ko ng kulungan ay naglakas loob akong balikan sya ay sana nakasama ko ng mas matagal ang anak ko.

Maging si Cala ay iyak din ng iyak sa tagpong yun. Walang namutawing salita samin pero ramdam ko yung saya at kaluwalhatian.

Umigik ang bata kaya wala akong nagawa kundi ang bitawan sya. Baka nasaktan na sa higpit ng yakap ko. Muli ko syang kinumutan at hinalikan sa noo. Ang sarap nyang pagmasdan.

Tinuyo ko ang mga luha ko at muling hinarap si Cala. Nag-iwas sya ng tingin kaya lumapit ako at hinawakan ang kamay nya.

Nasaktan ako nung pinalis nya ang kamay ko at bahagyang lumayo sakin.

"Hindi ko ipagdadamot ang bata sayo, Nico pero hanggang dun nalang yun. Tapos na tayo at wala na tayong dapat pang pag-usapan kundi ang tungkol kay Aris lang" matigas nyang sabi kaya parang sinaksak ng punyal ang puso ko kahit na naiintindihan ko ang galit nya para sakin.

"Handa na akong magpaliwanag, Cala" ngumiti sya ng mapait at pinunasan ang luha nya.

"Pero huli na Nico. Sanay na akong wala ka" mariing napapikit ako nung narinig ko yun. Masakit na mismong sa bibig nya galing yun.

Mahabang katahimikan ang namayani. Pilit kong kinalma ang sarili ko.

"Hindi mo man lang pakikinggan ang paliwanag ko?"

"Matagal akong naghintay noon Nico pero wala akong narinig mula sayo. Hanggang sa nagsawa na ako at natauhan. Hindi ko na kailangan yun ngayon. Noong nawala ka at dumating sa buhay ko si Aris, natutunan kong mahalin ang sarili ko kasabay noon ang pagbitaw ko sa pagmamahal ko sayo" tumayo na ako dahil hindi ko na kaya pang pakinggan ang mga sasabihin nya. Alam kong deserve ko ang masaktan ng ganito pero kota na ako ngayong araw. Pwede bang bukas naman yung iba? Baka mabaliw na ako ng tuluyan.

Pinunasan ko muli ang mga luha ko at  muling humarap sa kanya. Pilit ko syang nginitian at inabot ang pisngi nya para punasan din ang luha nya.

"Maraming maraming salamat sa pagbibigay mo sakin kay Aris at sa hindi mo pagdadamot sa kanya. Aalis muna ako ngayon dahil hindi ko na kaya yung sakit pero bukas babalik ako. Gagawa ulit ako ng paraan para makabawi sa inyo" hinalikan ko sya sa noo bago tuluyang lumabas ng kwarto.

Naabutan ko pa sa sala si Tito Dominic na bahagyang nagulat nung nakita ako. Lumapit ako sa kanya at nagmano.

"Maraming salamat po sa pag-aalaga sa mag-ina ko" natawa sya at tinapik ang balikat ko.

"Isasauli mo na ba sya sakin ngayon?"

"Hindi po, Tito. Gagawa ulit ako ng paraan para mahalin nya ulit ako. Kung kinakailangang bumalik ako sa simula, gagawin ko makuha lang syang muli. Pangako po Tito, bibigyan ko ng kumpletong pamilya ang anak ko" nagulat ako nung yakapin ako ni Tito at muling tinapik ang balikat ko. Hindi ko na napigilang mapaiyak muli.

When The Stars AlignOù les histoires vivent. Découvrez maintenant