Chapter 12

48 7 0
                                    

Stellar Calaia Anne's

"Miss Stellar!" Napabalikwas ako ng higa nung may narinig akong malakas na katok mula sa labas ng kwarto ko. Nakatulog pala ulit ako.

"Miss Stellar!" Ulit pa ng tampalasan kaya inis na inis akong lumapit sa pinto at binuksan iyon.

"Ano ba?!" Sigaw ko sa walanghiyang istorbo dahil sumasakit talaga ang ulo ko. Nabungaran ko naman yung lalaking nakahubad kanina at kung nasa mood lang ako ay natawa na ako sa hitsura nya. Paano kasi nakasuot sya ng white sando  na butas-butas at nakataas pa ang dalawang kamay nya na parang sumusuko habang nakapikit pa ang mga mata nya.

Nagmulat sya ng mata at alanganing ngumiti sakin. Humalukipkip ako sa harap nya at tinaasan ko sya ng kilay.

"Sorry po sa istorbo, Miss Stellar. Nagtext po kasi yung daddy nyo sakin at ang sabi nya pakainin ko na daw po kayo. Hapon na po at hindi pa po kayo kumakain" kalmadong litanya nya kaya inirapan ko sya.

"Sa pagkakaalam ko, yung garden namin ang trabaho mo at hindi ako" masungit na sabi ko pero nginisihan lang nya ako.

"Aba Miss, concerned lang po ako sa inyo. Alam nyo bang yung kapitbahay namin namatay sa ulcer dahil hindi kumakain ng tama sa oras?" Sinamaan ko sya ng tingin pero hindi sya natinag. Nagpeace sign pa sya kaya inirapan ko sya at tinalikuran. Akmang isasara ko na ulit ang pinto ng kwarto ko pero hinarang nya yung matipuno nyang braso para pigilan ako.

"Ano ba?! Bakit ba napaka pakialamero mo?!" Muli kong sigaw sa kanya.

"Miss uulitin ko lang po, yung kapitbahay namin nama--"

"Wala akong pakialam sa kapitbahay nyo at wala rin akong pakialam kung mamatay man ako!" Sumeryoso ang mukha nya at binitiwan ang pagkakawak sa pintuan ko. Namulsa sya at nag-iwas ng tingin sakin.

"Kung wala kang pakialam sa sarili mo, isipin mo nalang yung mga magulang mo. Maawa ka man lang sa kanila dahil mahal na mahal ka nila. Hindi lahat ng namamatay gustong mamatay, ikaw na nabubuhay, bakit gusto mong isuko yung buhay mo?" I was taken aback. Napalunok ako dahil tumitig sya sa mga mata ko. Sobrang seryoso nya at parang galit na gamit sya sakin.

"B-bakit parang galit ka?" Nagawa ko pa ring itanong yun kahit kinakabahan na ako at pilit pinatatag ko ang sarili ko. Nasa loob parin sya ng pamamahay namin at ako ang mas may karapatan dito.

"Hindi lahat ng tao kasing swerte mo na inaabot pa ang kinabukasan. Bakit hindi mo nalang ipagpasalamat na humihinga ka ngayon?" Lalong nangunot ang noo ko. Saan ba sya nanggagaling?

"Ano bang problema mo?" Naiinis na talaga ako sa kanya. Ngayon ko lang sya nakita pero kung mapagsabihan nya ako ay parang kilalang kilala na nya ako.

"Ikaw, anong problema mo?"

"Wala kang pakialam dun!"

"Pwes, bumaba ka sa kusina at kumain ka" muling sabi nya kaya lalong umusok ang bumbunan ko.

"Sino ka para utusan ako sa sariling pamamahay ko?" Ngumisi lang sya bago sumagot.

"Mamili ka, bababa ka ng kusa o bubuhatin kita pababa?"

"Hindi ako natatakot --" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil naramdaman ko na ang isang braso nya sa bandang likod ng mga hita ko. Pinasan nya ako na parang sako ng bigas. Para lang akong manika dahil ang laki nyang tao.

"Bitawan mo nga ako!" Sigaw ko habang pinagsususuntok ang likod nya pero hindi man lang sya natitinag.

"Nahihilo na ko! Bitawan mo ako!" Naramdaman kong inuupo nya ako sa isang stool sa island counter bago sya humarap sakin nang nakangisi.

When The Stars AlignWhere stories live. Discover now