Chapter 13

49 7 4
                                    

Stellar Calaia Anne's

"Cala, anong kukunin mong major?" Tanong sakin ni Eunice habang nakapila kami rito sa registrar at nagpapaevaluate. Kasama rin namin sina Michelle kaya hindi boring sa pila.

"Kung ano nalang yung sayo, Eunice" mahinang sabi ko at muling yumuko.

"Kanina pa kami daldalan nang daldalan dito, pero kanina ka pa rin tahimik .. may problema ba Cala?" Nag-aalalang tanong ni Glecy at hinawakan pa yung kamay ko. Pilit ko naman silang nginitian para hindi na sila mag-alala.

"Okay lang ako, girls" ayokong magkwento dahil ayokong maging masama ang image ni Nico sa kanila.

Simula nung nabasa ko ang convo nila ni Francine ay hindi ko sya kinumpronta. Wala akong lakas ng loob na magtanong dahil hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko pag umamin sya at pag sinampal ako ng katotohanan.

Mula rin ng araw na yun, naging malamig na ang pakikitungo nya sakin. Bihira nalang nya akong sunduin at ihatid. Yung dating 'ayoko kasing mapahamak ka kaya ihahatid at susunduin kita' ay naging 'text mo nalang ako pag nakauwi ka na'. Nasasaktan ako oo, pero alam kong mas masasaktan ako sa isasagot nya kaya natatakot akong magtanong.

Nung nakakuha na kami ng registration form ay pare-parehong major nalang ang kinuha namin para hindi na kami magkahiwa-hiwalay.

Maayos at mabilis naman kaming nakapag-enrol kaya naisipan muna naming mag gala-gala. Ayoko sana dahil gusto kong makipagkita kay Nico pero hindi naman sya nagrereply sa mga text ko.

"Cala, hindi na namin nakikita yung boyfriend mo. Kayo pa ba?" Kunot noong tanong sakin ni Ericka kaya tipid akong ngumiti at tumango.

"Wow, may boyfriend ka pa pala, Bessy? Bakit di ako na-inform?" Nakahawak pa si Eunice sa dibdib nya na wari mo'y gulat na gulat kaya sinamaan ko sya ng tingin.

"Busy lang talaga sya" depensa ko naman..

"Okay. Sabi mo e"


Unang araw ng pasukan at nagulat ako nung nakita ko sya sa may gate nung uwian namin. Hindi sya nagtext kaya hindi ko alam na susunduin nya ako. Agad akong lumapit sa kanya at humalik sa pisngi nya. Nagpaalam ako sa mga kaibigan ko dahil gusto ko syang makasama. Siguro ay dalawang linggo ata kaming hindi nagkita dahil sabi nya ay hindi kami nagkakatugma ng schedule. Saka kailangan daw sya sa karinderya ng mama nya.

Di na kagaya ng dati na kinukuha nya ang mga gamit ko. Hindi rin nya hinawakan ang kamay ko at hindi rin nya ako inalalayan sa pagsakay namin ng jeep. Kahit nangingilid ang luha ay pinilit kong ngumiti sa kanya.

"San tayo pupunta, Hon?" Sabi ko sa kanya at sumandal sa kanya.

"Cala, yung ulo mo. Mainit" reklamo nya at inalis ang ulo ko sa balikat nya.

Medyo umusog ako palayo dahil medyo luwag naman yung jeep. Yumuko nalang ako at pinagmasdan ang sapatos ko habang ginagalaw galaw ko yung mga paa ko.

Kaya pa ba, Cala?

Pumara sya at napansin kong nandito kami sa tapat ng kanto nila. Bumaba kami ng jeep at gaya kanina ay hindi man lang nya nilahad ang kamay nya para alalayan akong bumaba gaya ng ginagawa niya noon.

Maraming sasakyan ang dumadaan sa kalsada kaya nakakatakot tumawid. Lumakad sya na hindi man lang kinukuha ang kamay ko kaya napakagat nalang ako sa ibabang labi ko.

"N-nico, natatakot ako" medyo malakas na sabi ko sa kanya dahil nasa unahan ko sya. Pilit ko syang hinahabol. Naramdaman kong hinarang nya yung kamay nya sa harap ko nung biglang may sumulpot na motor. Muntik na ko.

When The Stars AlignWhere stories live. Discover now