Prologue

2.5K 114 21
                                    

Adrian Evans' POV

"And that's it," Walang ganang bulyaw sa akin ng registrar habang inaabot niya pa ang now successed scholarship form ko.

"Kailangan mo nalang hintayin ang monday para makapasok ka dito sa Goodsman Boys High," Dagdag pa niyang paalala na meron pang kung ano-anong pinagtatype dun sa keyboard ng computer na kinakahaharap niya.

Base rin sa tono ng boses niya, wala siyang gana sa bawat salitang kanyang binabanggit. Oh well, typical registrar. Ganyan din ang trato sa akin ng registrar namin doon sa old school ko. Laging bagot at parang walang ganang makipaghalobilo sa kahit sinong tao sa mundo.

Mabuti na nga dito kaya pang makipag-usap. Mukha nga lang di makakavibes ng kahit sino. Ayaw ko na nga lang magreklamo. Atleast naman ngayon tapos na ang pagpaprocess sa scholarship ko. I can finally study in this school without problems sa bayarin. Ang mga miscellaneous nalang.

Kailangan ko nga lang imaintain yung grades ko para di mawala sa scholarship program. Mahirap na, mag-isa pa naman akong itataguyod ang sarili ko.

"And regarding your uniform, makukuha mo yun sa IMDO office doon sa main building," Nagturo pa siya sa isang direksyon kung saan ko daw mahahanap ang main building.

"Just present your slip on monday and they will give you your newly sewed uniform." Huling tugon pa niya sa akin bago niya marahas na isinara ang kanyang talk hole. May galit rin ata sa mundo yung registrar ng school na to?

But still, who cares about that now? I already got in the scholarship program and that is enough for me. Kailangan ko nalang hintayin mag monday at magiging official student na ako ng Goodsman Boys High.

Call me weird if I say to you na sa kalagitnaan ng school year magtatransfer ako ng ibang schools, but I am satisfied with this. This is more than enough for me, though.

Wala naman akong issue sa dati kong paaralan na co-education kung saan halo-halo ang mga estudyante. Mga babae at lalaki sa iisang section.

Sadyang kailangan ko lang talaga magtransfer para na rin siguro sa safety ko sa bahay namin. I may not make it out alive when I stay there for quite a while longer pa.

I don't even guarantee my safety pag nasa bahay namin, dahil sa totoo lang, parang ramdam ko na anytime something bad can happen to me there.

I've already had enough with living with my parents--Kaagad ko pang iniling ang ulo ko at napangiti pa. I don't want to come up with that topic even more. Basta wala na ako sa mga magulang ko.

And that's the most important.

I will just look on the bright side. This time, I am already free from the pain that they caused me at kahit na bubuhayin ko ang sarili ko na mag-isa, then I am up for the challenge.

At least ngayon, malayo na ako sa mga abuso at sigurado na akong safe na ako sa bawat galaw ko. Yohoo!

Also, this is my first time to study in an all boys school at kahit medyo kabado ay alam ko naman kung paano mag-aadjust. Kailangan eh para makisama. Sayang nga lang, wala na akong makikitang mga chicks.

Bahagya nalang akong napatawa sa kalokohang pinag-iisip ko.

Biyernes ngayon at kitang-kita pa ang mga napakaraming estudyante dito sa pasilyong nilalakaran ko papunta sa main gate ng school. Yung iba sa kanila papasok at meron din naman ang palabas na.

Even if this is an all boys high school parang wala naman akong nakikita sa kung anong difference nila sa isang co-education schools.

It has the same atmosphere at yung vibes rin. Kaibahan nga lang, puro lalaking estudyante lang ang nakikita ng mga mata ko. Kaya nga all boys school eh.

Kung may babae man, posible mga staff o teachers yun dito sa Goodsman High.

Nang makalabas ako ng main gate ay diri-diritso akong pumunta sa isang convenience store na katabi lang dito sa Goodsman.

Kailangan ko rin kasi maghanap ng part time job para matatrabahuan. Baka willing to accept sila ng isa pang clerk. Baka lang naman.

"Welcome to Goodie Convenience, Sir," Nakangiting bati nung isang lalaking nakapwesto sa may cashier area.

Base sa kanyang itsura, mukhang magkasing-edad lang kami at kulay brown pa yung messy niyang buhok. Makapal ang kilay at kahit hindi klaro ay matipuno ang kanyang katawan. Meron din siyang itsura, pero mas gwapo naman ako. Suot-suot niya pa yung kulay yellow na polo shirt na meron pang orange collar. Possibly their uniform?

"Bro, Pwede magtanong?" Diritso na akong lumapit sa kanya at di na nagpaligoy ligoy pang tanungin siya.

"Yes po, Sir. Ano po yun?"

"Naghahire pa ba kayo dito ng clerk? I want to apply sana for a part time job," Pahayag ko pa sa kanya. I know that there's no any high chances na maghahire nga sila dito but it's worth a try, yeah?

Bahagyang natahimik ang lalaki at napalagay pa ang kanyang hintuturo sa kanyang baba na mukha pang nag-iisip. In my hunch, parang hindi nga ata ako makukuha.

"Hmmm..." Pahum ng lalaki na tiningnan pa ako mula ulo hanggang paa. May problema ba? Tinaasan ko lang siya ng kilay dahil sa pagtataka sa kanyang ginagawa. Weirdo.

"Is there something wrong with me?" Pinilit kong wag lakasan ang boses ko sa pagkakatanong sa kanya.

"Wala naman po, Sir," Ani niya na diritso pang tumingin sa akin ang kanyang mga mata. Nakangiti pa rin siya sakin ng matamis.

I understand that smiling at customers is a one thing job for a clerk in a convenience store, but isn't he smiling a lot?

"So? Are you hiring for another clerk here?" Paulit na tanong ko sa kanya. Kailangan ko pa talagang ulitin para sagutin niya ako ng diritsahan. Hindi yung titignan pa ako from up to bottom na para pang hinuhubaran sa kanyang pag-iisip. Tsk.

"Hmmmm.." Nawawalan na ako ng pasensiya sa kanina pa niyang pa 'hmmm'. Aba umuungol lang? Nakakabadtrip naman nito.

Bakit hindi nalang niya ako sagutin ng maayos at para makaalis na ako at maghanap ng ibang mapag-part time. Sinasayang lang niya ang oras ko.

"Sige, thank you--" Hindi ko nalang din natapos ang sasabihin ko nang inunahan niya akong magsalita.

"You're hired!" Galak na anunsiyo pa nung lalaki. What? Did he just say I'm hired? Paano nangyari yun? Ni hindi pa nga ako nagpasa ng mga documents para ipakita. "Sa totoo lang, we are really hiring for someone reliable to work in this convenience store kahit part time lang. I can see naman sa'yo na you have that build-ups and looks na mapagkakatiwalaan kang tao." Mahabang paliwanag pa niya. Kaya niya ako sinusuri kanina lang? Is that how it works? Damn ang swerte ko ata.

"So does that mean,"

"Pasok ka na." I can feel a wide grin painted on my lips with what he announced. Medyo suspicious kung bakit dali-dali akong nakapasok agad. But I won't complain. I'll take it as a lucky day for me. Yoohoo!

Kita ko pang nilahad ng lalaki ang kamay niya at sabay isang malapad na ngiti. "Trecious nga pala. Welcome aboard, newbie." Pagpapakilala niya at kaagad ko ring inabot ang kamay niya at nakipagkamayan rin.

"Adrian Evans. Call me, Adrian."

--The Only Bottom At Section Top--

The Only Bottom At Section Top | BxB (ONGOING)Where stories live. Discover now